Mas may kalamangan ang Sablayan, Occidental Mindoro kaysa sa General Santos City o GenSan pagdating sa territorial tuna fishing dahil ang mga nahuhuling tuna sa Sablayan ay nagmumula lamang sa municipal waters ng bayan. Ipinapakita nito ang mayamang yamang-dagat ng Sablayan, na hindi nangangailangan ng malawakang pangingisda sa malalayong karagatan na labas na sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Sablayan Mayor Walter Marquez, ang kanilang bayan ay tinatawag na “Tuna Highway” dahil sa likas na yaman ng karagatan nito. Ang mga bahura (reefs) ng Sablayan ay nagsisilbing natural na tahanan at daanan ng tuna at iba pang pelagic fish species, kaya’t patuloy ang pagdating ng malalaking tuna sa kanilang municipal waters. Dahil dito, ang Sablayan ay may masustansiyang ecosystem na nagpapanatili ng matatag at saganang tuna fishing industry.


Ang pagiging isang “Tuna Highway” ng Sablayan ay patunay ng mayamang biodiversity ng lugar,may sampung marine protective areas ang bayan na nagsisilbing pangitlugan ng mga Tuna, pinapairal din ng pamahalaang lokal ang sustainble fishing , tanging hook and line lamang ang ginagamit ng mga mangingisda.


Sa kasalukuyan , ang Sablayan ang isa sa nagsu-supply ng Tuna sa european union, kaya naman hindi lamang nagbibigay ng hanapbuhay sa mga mangingisda kundi nag-aambag din sa lokal at pambansang industriya ng pangisdaan.
- Groundbreaking ng OFW Convention and Tourism Center, Pinangunahan ni Cong. Marissa Magsino sa Laurel, Batangas - April 10, 2025
- SSS Resumes Campaign Against Delinquent Employers in Southern Luzon - April 7, 2025
- Rep Magsino ng #83 OFW PARTY LIST, NANAWAGAN: ‘Malasakit, hindi pasakit’ sa bagong baggage policy ng MRT-3 - April 4, 2025