Ngayong taon, mas pinalakas ang turismo at negosyo sa Bayan ng Pagsanjan, dahilan upang umangat ito mula sa pagiging 3rd Class Municipality patungo sa 2nd Class Municipality.
Sa pamumuno ni Mayor Cesar V. Areza, katuwang ang suporta ng mga mamamayan, naisakatuparan ang slogan na “Negosyo Palakasin, Trabaho Paramihin, Aasenso ang Bayan ng Pagsanjan.”
Pinuri ni Mayor Areza ang mga opisina at kawani ng bayan sa kanilang dedikasyon, gayundin ang mga negosyante, na nagresulta sa pagkilala ng Bureau of Internal Revenue dahil sa mataas na koleksyon ng buwis.
Ayon sa Department of Finance, opisyal nang kinikilala ang Pagsanjan bilang 2nd Class Municipality, na ang basehan ay average annual income na nasa pagitan ng ₱45M hanggang ₱55M, mas mataas ng ₱10M mula sa dating kita bilang 3rd Class Municipality.
Dahil dito, inaasahan na mas malaki ang pondong ilalaan sa mga programa sa kalusugan, edukasyon, at imprastraktura. Makikinabang din ang PWDs, senior citizens, at marginalized sectors habang mas lalo ring magiging kaakit-akit sa mga mamumuhunan ang bayan.
Ang pagkakaangat sa 2nd Class Municipality ay patunay sa determinasyon ng administrasyong Areza na tuparin ang mga ipinangakong programa noong 2022. Sa pagpapatuloy ng pagsuporta sa lokal na negosyo at turismo, masisiguro ang sustainable growth at inklusibong proyekto para sa mas maayos na kinabukasan ng Pagsanjan.
- Dagooc: Regulatory Delays Driving High Electricity Bills, NGCP Unfairly Blamed - January 15, 2025
- DOE Clarifies: NGCP Not Solely Responsible for Project Delays - January 15, 2025
- Mary Jane Veloso Celebrates 40th Birthday with Support from OFW Party List and Advocates - January 11, 2025