Unfair Fare Matrix ng Grab Philippines kinundina ng Grab Delivery Riders

Spread this info

Kinundina ng mga Grab Delivery Riders ang hindi patas na fare matrix ng Grab Philippines , nagkilos protesta sila sa kahabaan ng Tomas Morato sa Quezon City upang iparating sa pamahalaan ang umano’y unfair labor practices ng kumpanya at hindi makatwirang pagbawas sa bayad sa kanila.

Ayon kay lady Grab Rider Mary Rose Evardone ng Pampanga kada araw paliit ng paliit ang kita nila sa grab, may apat pa naman siyang anak na binubuhay. Lumahok umano siya sa protesta para makiisa at maipabot sa kumpanya kung gaano kahirap ang mga riders sa pamamasada ng 24/7 umulan umaraw man.

Sa protesta giniit ng National Union of Food Delivery Riders na itigil ng  Grab ang pagpapatupad ng bagong “unfair fare matrix” na nagpapaliit ng kanilang take home earnings.

Ayon pa sa mga protesters, ang naibabawas sa kanilang kita ay napupunta sa  maintenance ng   Grab platform dulot ng umano’y  kinakaharap na economic difficulties.

Inakusahan din ng mga  riders ang umano’y  kapabayaan ng Grab  sa kanilang health insurance dahil ang alok lamang sa kanila ng kumpanya ay  medical reimbursement at ang rider ang nagbabayad ng kanilang insurance.

Anila, itinuturing ng Grab na partner ang mga riders pero hindi naman naipapaalam sa kanila ang mga bagong polisiya na naipatutupad ng kumpanya.

Isang rider din ang nagsabing ilegal na tinanggal ng Grab,  at ang usapin ay nasa Dept of Labor na at handang idulog din ang usapin sa Justice Department upang mapangalagaan ang kapakanan ng kapwa riders.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *