
Mula sa dating kakulangan sa classroom, ngayon ay may mas malawak at modernong pasilidad na ang Marinig National High School sa Cabuyao City.
Pormal nang pinasinayaan ang Cabuyao Integrated Learning Facility, isang moderno at malawak na gusaling idinisenyo upang magbigay ng mas maayos, ligtas at komportableng learning environment para sa mga mag-aaral.
Itinuturing itong isa sa mga makabagong public school buildings sa Laguna at bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng I.H.E.L.P. Program, partikular sa sektor ng edukasyon.
Ayon kay Cabuyao City Mayor Dennis “Dena” Hain, sa ilalim ng Bagong Cabuyao, hindi lamang mga gusali ang itinatayo ng lungsod kundi mga pasilidad na magsisilbing pundasyon ng mas magandang kinabukasan para sa mga kabataan.
Sa bagong learning facility, mas maraming mag-aaral ang mabibigyan ng mas maayos na lugar upang matuto, mangarap at maghanda para sa kanilang kinabukasan.


- ES Recto leads rollout of ₱136.2-M ‘Bawat Barangay Makikinabang’ program in Laguna - September 12, 2026
- Bam Aquino pinuri ang Pinoy dance crews sa 2026 World Hip Hop Championship - September 9, 2026
- Chiz: broader, uniform definition of indigency to make Gov’t. services more accesible - September 9, 2026