Nag file na ng Certificate of Candidacy para sa Pagka- Alkalde ng Mabini Batangas si former Mayor Noel ‘Bitrics Luistro para sa eleksyon 2025.
Oct.3 ng mag file ng COC si Luistro kasama ang kanyang may bahay na si Batangas 2nd district representative Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro at ang buong supporters ng mga ito.
Ayon kay Luistro , siya ay magbabalik ng may dahilan at may gagawin.
“Sa aking mga kababayan, ang pagbalik ni Mayor Bitrics, may dahilan, ang pagbalik ni Mayor Bitrics dapat may gagawin para sa kaunlaran ng ating bayan , Si Mayor Bitrics inyo ng asahan, ang inyo laging isipin ang kaisipan ni Mayor Bitrics ay isang paglilingkod sa tamang paraan , sa paraang maka-diyos at sa paraang maka-tao.” Pahayag ni Mayor Luistro.
Samantala, ayon sa mga mamamayan ng Batangas , dapat makabalik si Luistro para ituloy ang progreso ng bayan na sinumulan niya ng siya ay nanunungkulan, buo umano ang mamamayan ng bayan ng Mabini para sa mga Luistro.
Naghain na din ng COC si Congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro para sa kanyang ikalawang termino bilang Batangas 2nd district representative.
Naghain siya ng COC sa Comelec sa Batangas City , kasabay ang mga kaalyadong Gobernador na si former Governor Vilma Santos -Recto sa ilalim ng One Batangas coalition.
Matatandaan na nakita ng sambayanang pilipino ang talino at husay ng mga taga Batangas dahil kay Luistro ng marinig ang mga debate sa Quad committee hearing ng Kongreso, dito nalaman ng mga pilipino na ang mga piniling representante ng Batangas ay magagaling, matatalino at tapat sa tungkuling ibinigay sa kanila ng taong bayan.
- New Dialysis Center Opens to Serve Alaminos Residents with Kidney Issues - October 29, 2024
- Enchanted Kingdom Celebrates 29 Years of Timeless Magic - October 27, 2024
- Bong Go leads polls for 2025 Senate, vows to continue ‘Serbisyong may Malasakit’ - October 22, 2024