Nasa limang daang mag-aaral nakatanggap ng libreng school supplies mula sa Non-Stop ang Kalinga

Spread this info

MAGDALENA, LAGUNA– Umabot ng limang daan mga mag-aaral mula pa sa Grade I learners ang nakatanggap ng mga libreng school supplies na mula pa sa NonStop ang Kalinga na pinangunahan naman ni Mayor Peter Bucal.

Katuwang sa pamamahagi at sa pamatnubay ni Max Zotomayor , Miyembro ng Sanggunian  Bayan, Municipal Councilor Ariel Ungco  Jr.  at Coun.Unio Abulencia Sune. Mga Principal at faculty members.

Ang mga libreng gamit naman ito ay para sa lahat ng mag-aaral sa Unang Baitang (Grade 1) mula naman sa Anim (6) na Public Elementary Schools ng bayan ng Magdalena, Laguna.

Ayon kay DepED Dist. Supervisor Ms. Flora Bhel Manalo  ipina-aabot niya ang kanyang lubos na pasasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong gawain ito.

Upang matagumpay na maisakatuparan ang pamamahagi ng mga school supplies. Samantalang ang programang ito ay may tema naman “Gamit Mo,  Handog Ko”.(KEVIN PAMATMAT)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *