Cabuyao Laguna-Nagkasa ng Dental and Wellness mission ang team ng Philipine Headline News Expose (PHNE) sa Barangay Mamatid Cabuyao City Laguna nitong Aug.27 ,linggo .
Libreng bunot na may libreng gamot at ibat- ibang serbisyo patungkol sa kalusugan ang isinagawa ng sa Mamatid Elementary School at sa pakikipagtulungan ni Dating Kagawad Justin Lapaz.
Dalawang dentist na mula pa National Bureau of Investigation sa Manila at nakiisa sa paglilingkod , bukod sa pagbunot ng ngipin , nagbahagi din ang mga ito ng kaalaman para sa pangangalaga ng ngipin.
May libreng gupit din na pinilahan ng mga bata para sa paghahanda sa balik-eskwela , pati mga matatanda ay nakinabang din sa libreng serbisyo.
May earwax o earcandle na kakaibang klase ng paglilinis ng tenga at pagaalis ng hangin upang mabalanse at nakakatulong upang luminaw ang pandinig, nag aalis ng pananakit ng ulo na dulot ng vertigo,o sipon ang naging benepisyo ng mga mamamayan sa misyon na ito ng PHNE.
Kakaibang klase ng therapy sa pamamagitan ni Ruel Latayan, na isang massage therapist at bone setter ang naranasan din ng mga ito .May bone setting services o pagpapalagutok ng buto na nagbibigay ng tamang alignment sa katawan at tamang posture.
Kasama ang grupo ng Iteracare na sa pamamagitan ng isang blower o gadget na itatapat sa buong katawan ay nakakapagpagaling ng maraming sakit dahil sa ibinubuga nitong init na may ultra violet rays na direktang pumapasok sa cells upang buhayin at pakilusin ng mabilis na nagsi-signal sa immune system na magtrabaho at mag ayos ng mga imbalance sa sistema upang magkaroon ng kagalingan.
Nakiisa din ang kinatawan ng radio binan na si Jackie Palima, Ronda Balita news paper na si Joel Cabactulan at Citzen Anti-Crime Group(CACG) Vice President na si Minda Durano kasama ng Pangulo ng 2ID Press Corps na si Pau Dela Cruz at BOD Lynn G. Domingo na naniwala sa adbokasiya ng grupo na lahat tayo at may social responsibility at kailangan maglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng community services.
Ayon kay Carag, ang kanilang team ay muling magbabalik upang handugan naman ng libreng check up ng mata at tamang grado ng salamin ang mga senior citizen na taga Mamatid Cabuyao Laguna.
Bagamat maraming tao ang pumunta ng araw na yun, ay naging maayos at mapayapa ang event dahil sa tulong ng Task Force Ugnay at CMO Battalion sa pamumuno ni LTC. Bruce Tokong na nagpadala ng mga sundalo na tumutok, umalalay at nakiisa bilang parte ng kanilang tungkulin .
Ang naganap na Community Service ng grupo ng Philipines Headline News Expose at iba pang stake holder sa Mamatid, ay isa lamang sa maraming lugar na naabot at nabigyan ng ganitong klase ng pagtulong sa kapwa .
Ito ay sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan ng mga namumuno sa lugar na may tamang pananaw ng pagkalinga sa kapwa at hindi pamumulitika lamang, dahil ang pagtulong sa kapwa ay sa lahat ng panahon tag- ulan man o tag-araw.
- Mayor ng Rosario Batangas, hindi tutulungan si Rivera dahil lang sa pagiging magkaibigan - February 6, 2024
- Recto kay Rivera : Pwede ba sundan mo ang yapak ni Governor V - January 23, 2024
- Dating Mayor ng Padre Garcia nagdeklara sa pagtakbo bilang Gobernador ng Batangas - January 17, 2024