PAKIL,LAGUNA-Natupad na noon ay pangarap lamang subalit ngayon araw ay pinasinayaan ang dekalidad na pasilidadang bagong bahay Pamahalaan na matatagpuan sa crossing ng Barangay Tavera ng bayan ito.
Ang bagong Bahay-Pamahalaan ay tunay na naglalarawan sa bayan dahil sa simbolismo ng Disenyo nito. Ang gusaling ito ay binubuo ng dalawang Sections na kumakatawan sa dalawang territoryo ng bayan (Kanluran at Silangang Pakil) at kunektado ng Atrium/Glass façade na sumisimbolo sa Laguna de Bay.
Ang left section ay may anim na vertical lines na kumakatawan sa anim na Barangay ng Kanlurang Pakil habang ang right section ay may anim na vertical lines na kumakatawan naman sa pitong Barangay ng Silangang Pakil!
Ang Tanggapan ng Alkalde (Mayor’s Office) ang nag-iisang Tanggapan na nasa pagitan ng dalawang Sections na ito na nagpapakita ng matinding Responsibilidad nito na magbigay ng inklusibo, napapanahon, pantay at epektibong pamamahala at pagseserbisyo sa Kanluran at Silangang Pakil.
Ang modernong disenyo nito ang sumisimbolo sa pagyakap ng mga mamamayan ng Pakil sa Modernong uri ng pag-iisip, paggawa at pag-uugali. Ang gusaling ito ay disenyo naman ni Architect Mark Angelo Bonita ng Barangay Kabulusanng ng bayan ito
Samantalang dumalo sa pagbubukas ng pasilidad si Quezon City Councilor Alfred Vargas bilang panauhing pangdangal, habang nagbigay naman ng video messages si Sen.Lito Lapid at iba pa mga Mayor ng Laguna. Dumalo din sa pagbubukas si Mayor Rellosa ng Famy, Mayor Elmor Vita ng Nagcarlan, Mayor, Mayor Romy Amorado ng bayan ng Majayjay .Mga Kawani ng pamahalaan, Vice Mayor Vipops Martinez.at buong miyembro ng Sangunian bayan at mga Barangay Officials.
- Bagong bahay pamahalaan pinasinayaan sa bayan ng Pakil - September 10, 2023
- Nasa limang daang mag-aaral nakatanggap ng libreng school supplies mula sa Non-Stop ang Kalinga - August 30, 2023