Surveys pabor kay Sol Aragones para maging Gobernador ng Laguna

Spread this info

Sa hindi paghinto sa pagtulong  ni dating 3rd District Repsentative Sol Aragones tila nagbubunga ang kanyang pagmamalasakit sa mga Lagunense .

Dahil sa tatlong survey na lumabas sa mga buwan ng Oktube 2023, Enero 2024 at Marso 2024 mataas ang survey response rate pabor kay Gubenatorial aspirant Sol Aragones.

Ibinahagi ito ni Kap Abner Dionglay , Public Information Officer (PIO) ni Aragones sa mga taga Paete Laguna nitong May 22 habang isinasagawa ang pagbibigay papremyo sa mga taga dito.

Nag update din si Dionglay na sa pamamagitan ng Akay ni Sol Partylist na as of this 3rd week of May nasa 20,000 wheel chairs , 50,000 tungkod, 50,000 quadcane , 25,000 walkers, 20,000 saklay , 2,000 nebulizers at 2,000 hearing aid para sa mga kababayang Persons with Disability (PWD).

Kamakailan, nasa 7,000 na ang qualified at nabigyan ng Xtern Foot Drop isang foot device na tutulong na makapag-lakad ng maayos ang pasyenteng hindi makabili ng ganitong device. Eksklusibo itong ipinagkatiwala ng mga gumawa sa Akay ni Sol Partylist.

Ilan pa sa dahilan kaya mataas ang survey response rate kay Aragones dahil sa kanyang mga programa sa Edukasyon, Kalusugan, Turismo at Negosyo.

Isang taon bago ang eleksyon 2025, mamarkahan ng mga botante ang mga taong nakatulong na sa kanila kahit malayo pa ang halalan.

Matunog na makakatunggali ni Aragones sina 2nd district representative Ruth Mariano Hernandez at Sta.Rosa Lone district representative Dan Fernandez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *