Laguna may 2 Malasakit Centers at 13 Super Health Centers – Sen. Bong Go

Spread this info

Ibinalita ni Senator Lawrence “Bong” Go sa mga taga Laguna nang dumalo siya sa Inauguration ng Super Health Center sa Binan Laguna nitong May 18, 2024 na may Dalawang (2) Malasakit Centers at labing tatlong (13) Super Health Centers ang lalawigan ng Laguna .

May Malasakit Center sa Santa Cruz at San Pablo City Laguna at ang mga Super Health Centers (SGC)naman ay nasa mga Bayan ng Calauan, Alaminos, Mabitac, Los Baños, Sta Maria, Nagcarlan at Pila . May mga SHC din sa mga  lunsod ng Biñan, Calamba, San Pablo, San Pedro,Cabuyao, at Santa Rosa City

Matatandaan na si Senator Bong Go ay nagsulong na magkaroon ng mga Malasakit Center at Super Health Centers sa bansa, kaya kinilala siyang “The father of Malasakit Centers.”

Bilang Chairman ng Committee on Health sa Senado at may adbokasiya para sa maayos na kalusugan , isinulong ni Go at isinakatuparan ang mga ito.

Ano ba ang Malasakit Center ?

Layunin ng Malasakit Centers na magbigay ng tulong medikal at pinansyal sa mga indigent at financially incapacitated na mga pasyente nang hindi na nila kailangang lumabas ng ospital para humingi ng tulong sa nasabing mga ahensiyang gaya nang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) and the Department of Health (DoH).

Lahat ng ahensiyang ito ay may representative sa Malasakit Center. One Stop Shop ito na pwedeng lapitan para hingan ng tulong.

Ano ang layunin ng Super Health Center?

Naisulong ni Senator Bong Go na mapondohan ang pagpapatayo ng mahigit 700 Super Health Center sa buong bansa, lalo na sa malalayong komunidad. Ito ay para mapalakas ang primary care, pagkonsulta, at early disease detection sa mga pamayanan.

Malaking tulong ito para ma decongest ang mga malalaking hospital , maaari na ditong magpa check up ng mga minor cases .

May mga serbisyo dito gaya nh lab facilities, pharmacy, birthing facilities, out-patient department, dental services, comprehensive PhilHealth out-patient department.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *