PNP CSG Stakeholder Assistance Center sa SM San Pablo City

Spread this info

Naging panauhin pandangal si PBGen  Benjamin H Silo  sa ginanap na Soft Opening ng PNP CSG Stakeholder Assistance Center kapartner ang SM City San Pablo na dinaluhan ni Regional Director BGen Carlito Gaces, kasama ang Provincial Director ng Laguna na si  Colonel Harold Depositar sa pag alalay ng San Pablo City Police Station na pinamumunuan ni COP PLTCol Wilhelmino S Saldivar Jr.

Ayon kay Silo ang pagbubukas ng kanilang Service Center sa San Pablo ay tungo sa isang mas matatag at maginhawang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Sa tulong ng mga kagamitan na inihandog nila ay mas mapapadali ang pagtugon sa pangangailangan ng mga taga rito, partikular sa mga tanong at hinaing ukol sa kaligtasan at seguridad at sa pamamagitan nito ay lalong napalapit ang serbisyo ng PSG sa komunidad  sa tulong ng SM City San Pablo na labis nyang pinasalamatan.

Sinimulan ang kaganapan sa isang misa na dinaluhan ng ilang mga negostante ng San Pablo, mga kapitan, media at kawani ng SM na mga fun enthusiat karamihan sa mga ito ay may dala dala ng requirement at handa ng pumila at maranasan ang unang araw ng serbisyo PNP CSG .

Ang pakikipagtulungan ng mamamyan sa PNP ay lubhang mahalaga sa ikabubuti ng bayan… Ito ang iniwang mahalagang mensahe ng panauhing pandangal na si PBGen.Silo,  Director ng Civil Security Group.

Ipinakita naman ng mga kawani ng SM ang kanilang pakikipagkaisa sa kanilang inisyatibo na magkaroon ng opisina sa kanilang store sa San Pablo City.

Ang kanilang Tanggapan ay matatagpuan sa ikalawang palapag ng SM Mall at sa ngayon ay bukas tuwing Sabado .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *