Mayor ng Rosario Batangas, hindi tutulungan si Rivera dahil lang sa pagiging magkaibigan

Spread this info

Sa Monday Flag raising ceremony ng pamahalaang bayan ng Rosario Batangas, inanyayahan na dumalo si former Padre Garcia Mayor, former 1CARE party-list representative Mike Rivera nitong Feb.5,2024.

Dito ,nakadaupang-palad ni Rivera ang mga kawani ng Rosario LGU, kasabay ang pangakong isang daang posiyentong suporta para sa kanyang kandidatura bilang gobernador ng lalawigan sa 2025 election.

Ang mainit na pagtanggap ,pinangunahan ni Rosario Mayor Leovy Morpe na kaibigan ni Rivera.

“Si Mayor Mike ,matagal ko nang kaibigan yan, matagal ko nang kasama, sabi ko nga, hindi ko siya tutulungan kasi kaibigan ko, kasama ko . Kasi nakita ko ang pamumuno niya sa kanyang bayan , kaya nga siya ang naging mentor ko bilang Mayor ng Bayan ng Rosario , dahil nakita ko ang kanyang liderato.” Paliwanag ni Morpe.

Ayon pa sa Alkalde ng Rosario, naniniwala siya na hindi lang sa Garcia , sa Rosario kayang gawin ni Rivera ang mga ginagawa niya.

“Ito ay kaya niya ring gawin kapag siya ay pinagkalooban , pinagtiwalaan ng buong probinsiya na maging gobernador. Kaya niyang gawin kung ano yung development sa kanyang bayan , ay kaya niyang palawigin sa buong lalawigan ng Batangas at ako’y naniniwala din sa kanyan sinseridad. Sa kanyang pagiging low profile na lider na madali siyang makakapagpayo o makakapagpasunod sa mga mamamayan ng batangas para makiisa sa kanyang mga magiging programa.” Dagdag ni Morpe.

Paano mahihikayat ang mga taga rosario ang nasa 48 barangay nito ?

“Ipakikita lang natin ang kabutihan niya sabi ko nga kanina hindi naman dahil sasama ka sa isang kandidato dahil kaibigan mo o may utang na loob ka, hindi yon, kaya tayo sasama at ating ipararating sa mga taga rosario na ang pagsama natin dito ay hindi pang sarili kundi para sa bayang ng Rosario at sa buong lalawigan ng Batanags.” Tugon ni Mayor Morpe.

 Robert Maico/Kaye Balba with the report of Mer Domingo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *