NPA finance officer sumuko  

Spread this info

CAMP CAPINPIN, Rizal – Sumuko ang isang New People’s Army finance sa gobyerno nitong Miyerkules , Feb.21 sa Agdangan, Quezon.

Ang Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTFELCAC) ng Agdangan sa pangunguna ni Mayor Rhadam Aguilar katuwang ang 85th Infantry “Sandiwa” Battalion, Agdangan PNP, at Quezon PNP, sumuko si alias Kenneth,  finance officer ng Apolonio-Mendoza-Command at miyembro ng  Platun Reymark mula sa Southern Tagalog Regional Party Committee.

Sa sworn statement ni  Alias Kenneth , kinokondena niya ang Communist Terrorist Group at nangako sa pakikiisa sa gobyerno.

Sinabi ni 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. Gen. Roberto S. Capulong na ang pagsuko ni alias Kenneth ay pagpapakita na unti-unti nang humihina ang teroristang grupo sa bahagi ng Quezon. Ito din ang pagpapatunay na epektibo ang ginagawang hakbang ng TF-ELCAC sa pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang sektor, stakeholders at komunidad na aktibo sa calabarzon region insurgency .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *