CAMP CAPINPIN, Rizal – Sumuko ang isang New People’s Army finance sa gobyerno nitong Miyerkules , Feb.21 sa Agdangan, Quezon.
Ang Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTFELCAC) ng Agdangan sa pangunguna ni Mayor Rhadam Aguilar katuwang ang 85th Infantry “Sandiwa” Battalion, Agdangan PNP, at Quezon PNP, sumuko si alias Kenneth, finance officer ng Apolonio-Mendoza-Command at miyembro ng Platun Reymark mula sa Southern Tagalog Regional Party Committee.
Sa sworn statement ni Alias Kenneth , kinokondena niya ang Communist Terrorist Group at nangako sa pakikiisa sa gobyerno.
Sinabi ni 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. Gen. Roberto S. Capulong na ang pagsuko ni alias Kenneth ay pagpapakita na unti-unti nang humihina ang teroristang grupo sa bahagi ng Quezon. Ito din ang pagpapatunay na epektibo ang ginagawang hakbang ng TF-ELCAC sa pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang sektor, stakeholders at komunidad na aktibo sa calabarzon region insurgency .
- Ayala Land Recognized as the Best Real Estate Developer in the Philippines by Euromoney - December 6, 2024
- THANKSGIVING MADE HAPPIER AT SM - November 29, 2024
- ‘HUMAN BOPIS for sale’ pina-iimbestigahan ni Lee - July 19, 2024