Comelec Laguna nag imbistiga sa compound ni San Pedro City Mayor Art Mercado

Spread this info

SAN PEDRO CITY LAGUNA –Napasugod si Laguna Comelec Atty. Patrick Enaje sa compound ni San Pedro City Mayor Art Mercado sa Silver Star Bus terminal, Brgy San Antonio, Brgy. San Antonio dahil sa natanggap na sumbong ng mga concern citizen na nagkaroon ng vote buying para sa BSKE 2023 kahapon besperas ng araw ng halalan.

Ayon kay Enaje, nakatanggap sila ng impormasyon na nagkaroon ng vote buying sa nasabing compound. “What we did ay pina verify namin sa mga pulis at pina surveilance at upon checking ay meron nga daw mga pila kaya lang cannot determine kung nandoon sa compound sa loob medyo malaki kasi yun dahil yun ay terminal.

Di naman namin pwedeng pasukin isa isa pero may mga nakita kaming tao pero wala kaming nakitang nag abutan ng pera kung kaya hiningian na lang namin ng impormasyon ang tao na nandoon. Dagdag pa niya kung sinumang mapapatunayan na nagkaroon ng massive vote buying ay sasampahan ng kaso at sakaling manalo man ang kandidato ay hindi nila ito papanumpain”. Wika ni Enaje.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *