Patuloy na isinusulong ni LaguNanay Cong. Ann Matibag ang mga hakbang para gawing mas abot-kaya, maaasahan, at sustainable ang suplay ng kuryente sa bansa.
Bilang Vice Chairperson ng House Committee on Energy, dumalo si Matibag sa committee hearing kung saan tinalakay ang mga panukalang batas na nakatuon sa paggamit ng solar energy, energy storage systems, at behind-the-meter electricity generation.

Layunin ng mga panukalang ito na mabigyan ng mas maraming opsyon ang mga tahanan at negosyo upang makagawa at makapag-imbak ng sariling kuryente, mabawasan ang konsumo, at makatipid sa buwanang electric bill.
Para kay Matibag, ang usapin ng enerhiya ay hindi lamang tungkol sa power supply—direktang nakakaapekto ito sa budget at kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino.
Mas episyenteng enerhiya. Mas mababang singil. Mas malaking ginhawa para sa bawat tahanan.
#AnnMatibag #EnergyReforms #MasMurangKuryente
- CAISS to fill gaps, not duplicate existing PH border systems — Securiport CTO - September 29, 2026
- UPLB opens Philippines’ first Agricultural Genomics Research Center in Laguna - September 26, 2026
- 5 year term ng Barangay, SK Officials, isinabatas na - September 26, 2026