May mga serbisyong madaling maabot ng ilan, pero para sa ibang pamilya, ang simpleng pagkuha ng gamot ay nangangailangan pa ng pamasahe, oras at mahabang biyahe.

Dito pumapasok ang konsepto ng Akay ni Gob Mobile Botika—isang serbisyong naglalayong dalhin ang mga pangunahing pangangailangang pangkalusugan diretso sa mga barangay ng Laguna.
Ayon kay Bokal Neptali Bagnes, malinaw ang direktiba ni Governor Sol Aragones: hindi puwedeng “pwede na.” Dapat maayos ang serbisyo at dapat maramdaman ito ng mga kababayan.
“May mga kababayan tayong malalayo at nahihirapang makapunta sa sentro ng serbisyo.”
At marahil, dito pinakamahalaga ang programa.



Dahil para sa isang pamilyang kapos sa oras o pera, ang serbisyong dumarating sa kanilang barangay ay hindi lamang dagdag na programa ng pamahalaan.
Maaari itong maging serbisyong hinihintay nila.
Suportado ni Bagnes ang programa at naniniwalang kailangang dalhin ang serbisyo sa bawat barangay—lalo na sa mga komunidad na mas nangangailangan ng tulong.
Pero higit sa mga pangako at pahayag, ang tunay na kuwento ay magsisimula sa aktuwal na pagpapatupad.


Ilang barangay ang mararating? Ilang pamilya ang matutulungan? At gaano kalaki ang magiging epekto nito sa mga komunidad na malayo sa sentro?
Ayon kay Laguna Governor Sol Aragones mahigit 600 barangay mayroon ang Laguna at dadalhin dito ang Akay ni Gob Mobile Botika
Ayon sa ilang residente ang programa ay ramdam nila at Dapat nakikita. Dapat nararamdaman. At higit sa lahat, dapat nakakatulong.
Akay ni Gob Mobile Botika — kapag ang serbisyo ay hindi na kailangang hanapin, dahil ito mismo ang lumalapit sa iyo.
- Bagong learning facility, pinasinayaan sa Marinig National High School - August 12, 2026
- CaMIA marks 19 years of protecting Filipino families - August 12, 2026
- Mas murang kuryente, mas malaking tipid sa bawat tahanan – Cong. Ann Matibag tutok sa energy reforms - August 12, 2026