Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Republic Act No. 12326, na nagtatakda ng limang taong termino para sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) at naglilipat sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2028.
Ayon kay Senator Chiz Escudero, ang bagong batas ay naglalayong magbigay ng higit na katiyakan at katatagan sa pamamahala sa barangay, na nagsisilbing pangunahing frontliner ng pamahalaan sa paghahatid ng mga serbisyo publiko sa mga komunidad.
Bilang pangunahing may-akda ng panukala sa Senado, sinabi ni Escudero na layunin ng batas na maayos ang sistema at magkaroon ng malinaw at regular na siklo ng pamamahala sa mga barangay.
“Kapag maayos ang termino, maayos din ang serbisyo,” ani Escudero.
Nagpasalamat din ang senador kay Pangulong Marcos sa agarang pagsasabatas ng RA No. 12326, gayundin sa mga kasamahan niya sa Senado at mga mambabatas sa House of Representatives sa kanilang suporta at pakikiisa sa pagpasa ng nasabing reporma.
Ayon kay Escudero, inaasahang makatutulong ang batas upang maisulong ang mas matatag, mas episyente, at mas maayos na pamamahala sa mga barangay.
- Isang Plato, Isang Pangarap: Kuwento ng Tagumpay ni Gemma Sanchez - October 8, 2026
- 𝗣𝗡𝗣 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗲 𝗖𝗮𝗽𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗥𝗭𝗢𝗡; 𝟭𝟯𝟬 𝗠𝗼𝘁𝗼𝗿𝗰𝘆𝗰𝗹𝗲𝘀 𝗜𝗽𝗶𝗻𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 - October 8, 2026
- CAISS to keep traveler data within Philippines, Securiport assures - October 5, 2026