Patuloy na isinusulong ni LaguNanay Cong. Ann Matibag ang mga hakbang para gawing mas abot-kaya, maaasahan, at sustainable ang suplay ng kuryente sa bansa.
Bilang Vice Chairperson ng House Committee on Energy, dumalo si Matibag sa committee hearing kung saan tinalakay ang mga panukalang batas na nakatuon sa paggamit ng solar energy, energy storage systems, at behind-the-meter electricity generation.

Layunin ng mga panukalang ito na mabigyan ng mas maraming opsyon ang mga tahanan at negosyo upang makagawa at makapag-imbak ng sariling kuryente, mabawasan ang konsumo, at makatipid sa buwanang electric bill.
Para kay Matibag, ang usapin ng enerhiya ay hindi lamang tungkol sa power supplyโdirektang nakakaapekto ito sa budget at kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino.
Mas episyenteng enerhiya. Mas mababang singil. Mas malaking ginhawa para sa bawat tahanan.
#AnnMatibag #EnergyReforms #MasMurangKuryente
- ๐จ๐ก๐๐ค๐๐ข, ๐๐ฎ๐๐ ๐ฅ๐ฒ๐๐ฎ๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ข๐ฃ๐ ๐๐๐ฟ๐ป ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ ๐ป๐ฒ๐๐ ๐ฐ๐น๐ฎ๐๐๐ฟ๐ผ๐ผ๐บ๐ ๐๐ผ ๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ ๐๐น๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น - November 14, 2026
- MySSS card, contribution records to be accessible via eGovPH - November 14, 2026
- Cavite Medical Center enters new chapter under CARD MRI management - November 14, 2026