Maaaring mas humaba ang termino ng mga barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials kung maisasabatas ang panukala ni Sen. Francis โChizโ Escudero.
Sa Senate Bill No. 2387, iminungkahi ni Escudero na gawing limang taon mula sa kasalukuyang apat na taon ang termino ng mga barangay at SK officials. Kapag naging batas, itatakda naman sa Nobyembre 2028 ang susunod na barangay at SK elections.
๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐ถ๐๐ผ ๐ถ๐ป๐ถ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ฝ๐ผ๐๐ฒ?
Ayon kay Escudero, mas mahabang termino ang maaaring magbigay sa mga lokal na opisyal ng sapat na panahon upang maipatupad at makumpleto ang mga programa at proyekto ng kanilang barangay.
Madalas umanong naaantala ang mga proyekto kapag napuputol ang kanilang implementation dahil sa pagbabago ng mga opisyal. Sa limang taong termino, layunin ng panukala na magkaroon ng mas maayos na continuity, mas matatag na local planning, at mas kaunting administrative disruptions.
๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฑ-๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ ๐๐ฒ๐ฟ๐บ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ต๐ถ๐ฟ๐ฑ-๐๐ฒ๐ฟ๐บ ๐ผ๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น๐?
Hindi awtomatikong nangangahulugan ang panukala na puwede silang tumakbo muli.
Nanatili ang kasalukuyang term-limit rules: hanggang tatlong magkakasunod na termino para sa barangay officials, habang isang termino lamang para sa SK officials. Dahil dito, ang mga barangay official na nasa kanilang ikatlong consecutive term ay hindi na maaaring kumandidato muli sa 2028 elections.
Sa madaling salita, ang pangunahing layunin ng panukala ay bigyan ng mas mahabang panahon ang barangay at SK officials para matapos at maipagpatuloy ang kanilang mga programa, habang pinananatili ang umiiral na limitasyon sa bilang ng kanilang termino.
Sa ngayon, panukala pa lamang ang Senate Bill No. 2387 at kailangan pa itong dumaan sa proseso ng Senado at Kamara bago ito maging batas.
- CAISS to fill gaps, not duplicate existing PH border systems โ Securiport CTO - September 29, 2026
- UPLB opens Philippinesโ first Agricultural Genomics Research Center in Laguna - September 26, 2026
- 5 year term ng Barangay, SK Officials, isinabatas na - September 26, 2026