Pinagtibay ng Pamahalaang Lungsod ng Biรฑan, sa pamamagitan ng ICTOโTech4Ed Center, at ng DepEd Schools Division Office of Biรฑan CityโAlternative Learning System (ALS) ang kanilang partnership para sa pagpapatupad ng Digital Literacy Training para sa mga ALS learners.
Isinagawa ang MOA signing ngayong Agosto 11, bilang bahagi ng hakbang ng dalawang institusyon na mapalawak ang access ng mga ALS learners sa digital skills at teknolohiya.
Ayon kay Biรฑan Mayor Gel Alonte, kabilang sa mga prayoridad ng lungsod ang digitalization, na aniyaโy dapat maging accessible sa lahat, kabilang ang mga mag-aaral sa ALS.
Sa pamamagitan ng programa, layong mapaunlad ang kakayahan ng mga ALS learners sa paggamit ng digital tools at teknolohiya na makatutulong sa kanilang pag-aaral, personal na pag-unlad, at paghahanda sa mas maraming oportunidad sa hinaharap.


- CAISS to fill gaps, not duplicate existing PH border systems โ Securiport CTO - September 29, 2026
- UPLB opens Philippinesโ first Agricultural Genomics Research Center in Laguna - September 26, 2026
- 5 year term ng Barangay, SK Officials, isinabatas na - September 26, 2026