Nasa 300 na magsasaka mula sa Matag-ob Leyte ang nakatanggap ng tig-iisang litro ng fertilizer mula sa I-UNLAD FOUNDATION nitong biyernes Sept.22,2023.
Ang mga magsasaka tila nagkaroon ng pag-asa at hindi matawaran ang ngiti para sa ikalalago ng kanilang mga ani.
Sa pangunguna ni I-UNLAD KABUHAYAN FOUNDATION Chariman at Pasay Councilor Edith Wowee Manguerra nagkaroon din ng signing of Memorandum of Understanding ang grupo kay Matag-ob Leyte Mayor Bernie Tacoy at ng mga Konsehal ng bayan, EUPACARE CEO Yuan Salimgumba.
Ang programa, pinangunahan ni Gabay at Aksyon CEO Rosemarie Solangon Lamagna and Director Roy Lamagna, na suportadoi ng media sa iba’t-ibang panig ng bansa na dumalo sa zoom conference para masaksihan ang pambihirang pagkakataon para sa mga magsasaka ng Matag-ob.
Sa media conference via zoom, sinabi ni Chairman Wowee Manguerra na ang I- UNLAD Kabuhayan Foundation ay para sa mga bayaning
magsasaka upang maibalik ang pangarap ng maraming Pilipino at mismo ng Pangulo ng bansa , President Bongbong Marcos na magmura ang bigas pagdating ng tamang panahon.
Ang masagana 2025 na programa ay tulong upang maramdaman ng mga magsasaka ang tunay malasakit.
Ang fertilizer ng I-Unlad foundation ay nakapagpapataas ng ani ng mga magsasaka. Nakatakda ang grupo na ikutin ang bansa para tugunan ang nmga pangangailangan ng mga bayaning magsasaka.
- ‘HUMAN BOPIS for sale’ pina-iimbestigahan ni Lee - July 19, 2024
- Bringing government services closer to communities: Bong Go visits island town of Tingloy, Batangas to inaugurate Super Health Center and help labor sector - July 12, 2024
- CAVITEX connector roads’ on-time completion gets fresh momentum from Presidential support - July 5, 2024