AICS Payout sa Pagsanjan pinangunahan ni Sen. Imee Marcos

Spread this info

Pinangunahan ni Senator Imee Marcos ang Assistance to Individual In Crisis Situation Program o AICS sa Pagsanjan Laguna nitong Martes, Sept.26 2023 na ginanap sa Areza Mall event center.

Isang libong beneficiaries ang nakinabang na may halagang P3,000.00 pesos para sa bawat isa na qualified para sa AICS Program ng DSWD.

Kasama ni Marcos , sina Laguna Governor Ramil Hernandez, Vice Governor Karen Agapay, Congresswoman Ruth Mariano Hernandez, Pagsanjan Mayor Cesar Areza, Vice Mayor Terryl Gamit-Talabong sa pamamahagi ng AICS.

Samantala , napuri naman ni Sen. Marcos si Mayor Areza dahil convenient na lugar kung saan ipinamahagi ang AICS. Sa Mall ng pamilya ni Areza na fully air conditioned.

Matapos mamahagi ng AICS , may pasalubong din si Marcos na Nutri-Bun para sa mga bata.

Namahagi din ng payout si Marcos sa mga bayan ng Pila at Victoria Laguna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *