300 magsasaka ng Matag-ob Leyte nakatanggap ng libreng fertilizer mula sa I-UNLAD FOUNDATION

Spread this info

Nasa 300 na magsasaka mula sa Matag-ob Leyte ang nakatanggap ng tig-iisang litro ng fertilizer mula sa I-UNLAD FOUNDATION nitong biyernes Sept.22,2023.

Ang mga magsasaka tila nagkaroon ng pag-asa at  hindi matawaran ang ngiti para sa ikalalago ng kanilang mga ani.

Sa pangunguna ni I-UNLAD KABUHAYAN FOUNDATION Chariman at Pasay Councilor Edith Wowee Manguerra nagkaroon din ng signing of Memorandum of Understanding ang grupo kay Matag-ob Leyte Mayor Bernie Tacoy at ng mga Konsehal ng bayan, EUPACARE CEO Yuan Salimgumba.

Ang programa, pinangunahan ni Gabay at Aksyon CEO Rosemarie Solangon Lamagna and Director Roy Lamagna, na suportadoi ng media sa iba’t-ibang panig ng bansa na dumalo sa zoom conference para masaksihan ang pambihirang pagkakataon para sa mga magsasaka ng Matag-ob.

Sa media conference via zoom, sinabi ni Chairman Wowee Manguerra na ang I- UNLAD Kabuhayan Foundation ay para sa mga bayaning

magsasaka upang maibalik ang pangarap ng maraming Pilipino at mismo ng Pangulo ng bansa , President Bongbong Marcos na magmura ang bigas pagdating ng tamang panahon.

Ang masagana 2025 na programa ay tulong upang maramdaman ng mga magsasaka ang tunay malasakit.

Ang fertilizer ng I-Unlad foundation ay nakapagpapataas ng ani ng mga magsasaka. Nakatakda ang grupo na ikutin ang bansa para tugunan ang nmga pangangailangan ng mga bayaning magsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *