๐๐๐ข๐ฅ๐ค๐ ๐จ๐ ๐๐๐๐๐๐ง๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐๐ ๐-14 ๐ฃ๐ ๐พ๐๐ฉ๐ฎ๐๐ค๐ค๐ ๐ผ๐ฃ๐ฃ๐๐ซ๐๐ง๐จ๐๐ง๐ฎ ๐ฃ๐ ๐พ๐๐๐ช๐ฎ๐๐ค ๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐ฎ๐ช๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ ๐๐จ๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ข๐ช๐ข๐ช๐๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ข๐๐ข๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ
Sa pagdiriwang ng ika-14 na Cityhood Anniversary ng Cabuyao, isa sa mga pangunahing prayoridad ng Pamahalaang Lungsod ang pagsusulong ng sports at aktibong pamumuhay upang maging mas malusog, masigla, at mas matatag ang bawat Cabuyeรฑo.
Ayon kay Cabuyao City Mayor Dennis “Denha” Hain, mahalagang bahagi ng pag-unlad ng komunidad ang pagbibigay ng mga programa at aktibidad sa sports dahil hindi lamang nito pinapalakas ang pangangatawan, kundi nagsisilbi rin itong epektibong stress reliever at paraan upang mapanatili ang mabuting kalusugan at positibong pamumuhay ng mga mamamayan.
Samantala, sinabi ni Chief in New Governance Richard “Dondon” Hain na libre para sa publiko ang mga pasilidad na inilaan ng Pamahalaang Lungsod para sa iba’t ibang gawaing pampalakasan. Kabilang dito ang Cabuyao Athletes Basic School (CABS), na dinarayo na ng maraming Cabuyeรฑo para sa jogging at biking. Bukas na rin sa publiko ang mga pasilidad para sa badminton at pickleball, na nagbibigay ng mas maraming pagkakataon sa mga residente na makilahok sa iba’t ibang uri ng sports.
Ayon kay Hain, layunin ng lokal na pamahalaan na mailapit ang de-kalidad na sports facilities sa mga mamamayan upang hindi na nila kailangang bumiyahe o gumastos pa sa ibang lugar para lamang makapag-ehersisyo. Aniya, sa pamamagitan ng mga libreng pasilidad na ito, hinihikayat ang bawat Cabuyeรฑo na gawing bahagi ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay ang regular na ehersisyo bilang paraan ng pagpapanatili ng mabuting kalusugan at pag-iwas sa iba’t ibang sakit.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagpapalawak ng mga programang pangkalusugan at pampalakasan, isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Cabuyao ang isang komunidad na mas aktibo, mas malusog, at mas handa sa mga hamon ng hinaharap.
- NBI, Roligon Sports Shooting Range Corporation forge partnership for advanced firearms training - August 7, 2026
- Mas matatag na healthcare partnership pinalakas ng Metro Laguna LGU’s - August 7, 2026
- Good news for Lagunenses: Gov. Sol Aragones launches free cataract surgery program starting August 27 - August 7, 2026