Maagang nagtipon ang mga siklista mula sa iba’t ibang bike clubs at cycling enthusiasts upang makiisa sa 14th Cityhood Anniversary Bike Fun Ride bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-14 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Cabuyao.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga kalahok mula sa iba’t ibang edad, kabilang ang mga kabataan at beteranong siklista, na sama-samang nagpedal sa mga pangunahing lansangan ng lungsod bilang pagpapakita ng suporta sa pagsusulong ng malusog na pamumuhay at aktibong transportasyon.
Ayon kay Cabuyao City Mayor Dennis Hain, layunin ng bike fun ride na hikayatin ang publiko na isulong ang pagbibisikleta bilang isang ligtas, malusog at masayang alternatibong paraan ng transportasyon. Binigyang-diin din ang kahalagahan nito sa pagtugon sa tumataas na pangangailangan sa enerhiya at pagsusulong ng mas napapanatiling paraan ng paglalakbay.
Bukod sa pagtataguyod ng kalusugan at kaligtasan, nagsilbi rin ang aktibidad bilang pagkakataon upang higit pang mapalakas ang pagkakaisa ng komunidad at pakikilahok ng mga mamamayan sa pagdiriwang ng Cityhood Anniversary ng Cabuyao.

- Laguna Youth Patrollers,tumanggap ng cash relief assistance para sa aktibong pagbabalita - August 8, 2026
- 𝗟𝗶𝘃𝗲𝗹𝗶𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗮𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲, 𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗲𝗻𝗲𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗿𝘆𝗼 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮’𝘁 𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗴𝘂𝗻𝗮 - August 8, 2026
- Acting Vice Mayor Barbie Diaz orders audit of JO Workers in San Pablo City Council - August 8, 2026