Usap-usapan na nang mga mamamayan ng San Pedro City na may Pattern of Abuse ang mga isyung pang pulitika ang lungsod.
Ito ay matapos magsampa ng mga kaso ang Kapitan ng Barangay Langgam na si Samuel Rivera ng Abuse of Authority ,Grave Abuse of Authority , Oppression and Violation of the Anti-Graft and Corrupt practices sa Ombudsman .
Ang mga sinampahan ay sina Mayor Art Mercado, Vice Mayor Ina Olivarez, Mga Konsehal at ilang pang opisyal ng San Pedro LGU.
Nag-ugat ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng ihain kay Rivera ang hindi umanong makatwirang preventive suspension sa kanya. Nag rally pa ang mga supporters na Rivera para kondenahin ang suspension order sa Kapitan.
Sa Pakikipag-tulungan ni Atty. Melvin Matibag kay Rivera , ang pagsasampa nila ng kaso ay para matigil na ang umano’y panggigipit at political prosecution sa mga Kapitan at kilalang kalaban ng kasalukuyang administrasyon .
“Ang preventive suspension ay may kinalaman sa Liga ng mga Barangay election na itinakda umano noong Hulyo 5, ngunit ipinagpaliban ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas noong Hulyo 4, matapos masuspinde si Brgy Chairman Rivera.” Atty. Melvin Matibag.
Matatandaan na bago pa si Rivera ay nagkaroon din ng preventive suspension sina Barangay San Antonio Chairman Eugenio S. Ynion Jr., at tagapangulo ng Barangay Chrysanthemum na si Restituto Hernandez.
Si Rivera ay kabilang sa 14 sa 27 barangay executives na itinuturing na kaalyado ni Ynion na kandidato sa bilang pangulo para sa Association of Barangay Chairmen (ABC) sa lungsod
Lahat ng ito ay tinitingnan umano ng kampo ni Rivera na political prosecution para hindi matuloy ang eleksyon para sa Liga ng Barangay dahil ang kanilang bilang kung makukumpleto ay sapat na para Manalo bilang ABC President si Ynion.
Sinusubukan ng Southpost Pilipinas ang panig ng mga kinasuhan, particular si Mayor Art Mercado pero hanggang sa mga oras na ito ay wala pa silang tugon .
- Vilma Santos-Recto Seeks Return as Batangas Governor, with Sons Running for Key Provincial Posts - October 4, 2024
- Noel ‘Bitrics’ Luistro magbabalik bilang Ama ng Mabini Batangas - October 4, 2024
- Congresswoman Ann Matibag of San Pedro City filed her Certificate of Candidacy as she aims for re-election - October 3, 2024