Buong kagalakan at pasasalamat ang aming nararamdaman sa OFW Party List sa pagbabalik ni Mary Jane Veloso sa ating bansa matapos ang mahigit isang dekadang pagkakakulong sa Indonesia. Ang tagumpay na ito ay bunga ng masigasig na panalangin, diplomasya, at adbokasiya ng ating pamahalaan, sa pangunguna nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Pangulong Prabowo Subianto ng Indonesia.
Si Mary Jane ay simbolo ng mga Pilipinong biktima ng human trafficking, ngunit patuloy na lumalaban para sa katarungan. Ang kanyang pagbabalik ay nagsisilbing pag-asa para sa bagong simula. Bilang Pangulo ng Anti-Trafficking OFW Movement (ATOM), itinutulak namin ang mas mahigpit na proteksyon laban sa human trafficking upang hindi na maulit ang kanyang karanasan. Maligayang pagbabalik, Mary Jane! Nasa likod mo ang buong sambayanang Pilipino. Patuloy namin isusulong ang karapatan at kapakanan ng bawat OFW.
- Vista Land eases homeownership for Filipinos nationwide with MOVE Program - March 15, 2025
- Laguna showcases readiness for the ‘Big One’ in Nationwide Earthquake Drill - March 14, 2025
- MPT South Marks 5 Million Safe Man-Hours Achievement - March 2, 2025