
Ipinagmalaki ng #83 OFW Partylist sa kanilang pagbisita sa bayan ng Calauan, Laguna nitong Lunes, Abril 21, ang mga naging tagumpay at patuloy na adbokasiya para sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga pamilya.
Pinangunahan ni Representative Marissa “Del Mar” Magsino ang pagtitipon kung saan ibinahagi niya sa mga dating OFWs, mga kaanak ng OFWs, at mga residente ng Laguna ang mga pangunahing accomplishment ng kanilang unang termino sa Kongreso. Kabilang dito ang mga programang nakatuon sa kapakanan, proteksyon, at pagpapalakas ng suporta para sa mga tinaguriang bagong bayani ng bansa.
Ayon kay Rep. Magsino, patuloy ang kanilang pagsusumikap upang makabuo ng mga makabuluhang proyekto para sa sektor ng mga OFW. Ilan sa mga programang kanilang isinulong ay ang:
- Pagpapatibay ng mga bilateral labor agreements upang matiyak ang karapatan at proteksyon ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa;
- Paglalaan ng mga mental health trainings at seminars para sa mga OFWs at kanilang pamilya;
- Pakikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang magkaroon ng mga NBI satellite offices sa mga bansang may malaking populasyon ng Pilipino;
- Pagpapalakas ng implementasyon ng mga OFW Help Desks sa iba’t ibang lokal na pamahalaan at embahada.

Ipinahayag rin ni Rep. Magsino ang kanilang hangaring maipagpatuloy pa ang mga nasimulang programa sa ikalawang termino, upang mas mapalawak pa ang tulong at serbisyong maihahatid sa bawat OFW at kanilang pamilya.
- Isang Plato, Isang Pangarap: Kuwento ng Tagumpay ni Gemma Sanchez - October 8, 2026
- 𝗣𝗡𝗣 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗲 𝗖𝗮𝗽𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗥𝗭𝗢𝗡; 𝟭𝟯𝟬 𝗠𝗼𝘁𝗼𝗿𝗰𝘆𝗰𝗹𝗲𝘀 𝗜𝗽𝗶𝗻𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 - October 8, 2026
- CAISS to keep traveler data within Philippines, Securiport assures - October 5, 2026