Padre Garcia Batangas– Pormal nang nagdeklara ng kandidatura sa pagka-gobernador ng lalawigan ng Batangas si former 1- Care Partylist at dating Mayor ng Padre Garcia na si Mike Rivera nitong Jan.15 ,2024.
Inanunsiyo ito ni Rivera sa Monday flag raising ceremony ng munisipyo sa harap ng kanilang mga taga suporta na pinangungunahan ng kanyang may bahay at ang kasalukuyang alkalde na si Mayor Celsa Rivera, kasama ang anak nila na si Vice-Mayor Micko Angelo Rivera.
Ang pagpapasyang ito umano ni Rivera bilang kandidato sa gubernatorial bid 2025 ay dahil na din sa tiwala at suporta ng kanyang mga kababayan , pangunahin na si Senator Ralp Recto na ngayon ay Secretary sa Department of Finance na nag-iindorso sa kanya bilang gobernador. Sa pamamagitan naman ng mga pledges mula sa iba’t-ibang lider sa lalawaigan ng magigiting, ipinaramdam ng mga ito kay Rivera ang kanilang pagtitiwala .
Kabilang sa nagpahayag ng suporta sina Congressman Edwin Gardiola ng Mataas na kahoy at kinatawan ng CWS Party list, Congresswoman Lianda Bolilia, Bokal Caloy Bolilia ng ika-apat na distrito ng Batangas at si Mayor Randy Amo ng Laurel.
Ilang organized fraternal group naman gaya ng Barako Eagles Club ng The Fraternal Order of Eagles ang dumalo at naghayag din ng suporta para sa kanilang former Club President.
Ayon kay Garcia ang kaunlaran ng Padre Garcia ay magiging blue print umano niya at dadalhin sa buong lalawigan.
- Mayor ng Rosario Batangas, hindi tutulungan si Rivera dahil lang sa pagiging magkaibigan - February 6, 2024
- Recto kay Rivera : Pwede ba sundan mo ang yapak ni Governor V - January 23, 2024
- Dating Mayor ng Padre Garcia nagdeklara sa pagtakbo bilang Gobernador ng Batangas - January 17, 2024