Sa press briefing ni PRO 4A chief Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas ngayong huwebes sa Camp Vicente Lim Calamba City Laguna , sinabi nito na epektibo noong Jan.16 ay dinismissed na sa pagka-pulis si Police Major Allan de Castro
“Today, I would like to announce the dismissal of Police Major Allan de Castro from the PNP service effective January 16, 2024, signed by me, following an extensive investigation conducted by our Regional Internal Affairs Service 4A,” sinabi ni Lucas sa press briefing.
Ayon pa kay Lucas , ang dismissal order kay De Castro ay bunsod sa alleged illicit and extramarital affairs kay Camilon.
Ang Kidnapping at serious illegal detention na reklamo ay naka file na laban sa opisyal , driver -bodyguard nito at dalawang John Doe.
Makakaalis ba ng bansa si De Castro dahil wala na siya sa custody ng PRO4A ?
Posible daw ito ayon sa CIDG , dahil wala pang warrant of arrest si De Castro para sa mga criminal offense niya gaya ng kidnapping at illegal detention.
Patay na ba si Camilon?
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 4A deputy chief Police Major Nilo Morallos, hindi pa nila nakikita si Camilon pero tila wala na ito base na din sa mga salaysay ng mga testigo,
“We are hoping for the best, pero we are expecting the worst. Sa flow po ng investigation namin hindi namin masasabi kung wala na talaga,” Sinabi ni Morallos .
- ‘HUMAN BOPIS for sale’ pina-iimbestigahan ni Lee - July 19, 2024
- Bringing government services closer to communities: Bong Go visits island town of Tingloy, Batangas to inaugurate Super Health Center and help labor sector - July 12, 2024
- CAVITEX connector roads’ on-time completion gets fresh momentum from Presidential support - July 5, 2024