๐—•๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐˜ ๐—ฆ๐—ธ๐—ถ๐—ป ๐—–๐—˜๐—ข ๐—ฒ๐˜…๐—ฐ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ถ-๐—ฎ๐—ฝ๐—ฝ๐—น๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—›๐—ฎ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—•๐˜‚๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น

Spread this info

Excited si Glenda Dela Cruz, chief executive officer ng Filipino-owned Brilliant Skin Essentials, na maisabuhay at mai-apply sa kanyang kumpanya ang mga natutunan niya matapos makumpleto ang anim na araw na intensive program sa Harvard Business School.

Kamakailan ay natapos ni Dela Cruz, na mas kilala bilang Miss Glenda, ang Strategic Marketing for Driving Growth program ng prestihiyosong business school. Sa loob ng programa, hinarap niya ang 19 business cases kasama ang mga entrepreneur at business leaders mula sa ibaโ€™t ibang bansa, industriya, at professional backgrounds.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Miss Glenda na higit pa sa isang certificate ang kanyang naiuwi mula sa programa.

โ€œHindi lang ako uuuwi na may certificate, umuwi ako with a deeper perspective on business, leadership, and growth. Finally, no more sleepless nights!โ€

Aniya, panahon na ngayon upang makapagpahinga, makapag-recharge, at maihanda ang kanyang sarili sa paglalapat ng mga bagong kaalaman sa kanyang negosyo.

โ€œTapos na ang cases, tapos na ang puyat. Time to rest, recharge, and get ready to bring home everything Iโ€™ve learned at Harvard Business School. Grateful to have learned alongside entrepreneurs and leaders from different countries, industries, and backgrounds.โ€

Partikular niyang binigyang-diin ang kanyang excitement na maipatupad ang mga natutunan niya sa Brilliant Skin Essentials, ang kumpanyang kanyang itinatag.

โ€œExcited nako para kay Brilliant Skin Essentials. Sa totoo lang, sa dami kong NOTES, excited na akong i-execute ang mga natutunan ko,โ€ ani Miss Glenda.

Para sa CEO, ang pagkumpleto sa programa ay isa ring mahalagang personal milestone. Aniya, matagal na niyang pangarap na makapag-aral sa Harvard Business School, lalo naโ€™t hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo.

โ€œHarvard Business School, youโ€™ve been a dream come true. And I hope, this will serve as an inspiration sa mga katulad ko na hindi nakatapos ng pag-aaral. Na may pag-asa at pwede pang matuto through this kind of program,โ€ pahayag niya.

Kabilang sa mga tinalakay sa programa ang strategic marketing, customer behavior, business growth, pricing, competition, leadership, decision-making, at artificial intelligence.

Ayon kay Miss Glenda, isa sa mga naging makabuluhang bahagi ng programa ay ang paggamit ng real-world business cases sa halip na lecture lamang.

โ€œWhat I loved most was that we werenโ€™t just listening to lectures. We were given real business situations and asked to think, analyze, challenge assumptions, and make decisions,โ€ aniya.

Mas lalo rin umanong pinagtibay ng karanasan ang kanyang paniniwala sa kahalagahan ng patuloy na pag-aaral, lalo na sa mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence.

โ€œAnd with AI evolving so quickly, one thing became even clearer to me: business owners canโ€™t afford to stop learning. AI is changing how we create, market, understand customers, make decisions, and scale businesses. But technology is only one part of the equation. How we think, how we lead, and how we use these tools will matter just as much,โ€ ani Miss Glenda.

Bukod sa business growth at innovation, nakikilala rin ang Brilliant Skin Essentials Inc. sa pagtataguyod ng inclusivity sa workplace. Kabilang sa mahigit 1,000 nitong empleyado ang mga persons with disabilities (PWDs).

Kamakailan, pinuri ng actress at content creator na si Ivana Alawi ang naturang programa matapos bumisita sa isa sa mga production facility ng kumpanya at makasalamuha ang mga manggagawa nito.

โ€œIsa sa mga nakakatuwa dito sa Brilliant Skinโ€”meron silang mga PWD. Hinahayaan talaga nila magtrabaho. Talagang part sila ng Brilliant Skin,โ€ ani Alawi.

Ayon kay Alawi, kasalukuyang may 11 PWD employees ang kumpanya na bahagi ng workforce at operasyon nito.

โ€œMas gusto kong suportahan yung mga business talaga na lahat welcome. Eleven ang PWD nila dito sa Brilliant Skin,โ€ dagdag niya.

Samantala, kinilala rin ang Brilliant Skin Essentials Inc. bilang 2025 Top Employer of the Year ng Municipality of Morong, Rizal.

Napabilang din ang kumpanya sa mga nangungunang business taxpayers sa munisipalidad, kung saan kinilala ito bilang Top 3 Outstanding Business Taxpayers of the Year at Top 4 Highest Real Property Taxpayers of the Year.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *