Nakumpiska ng mga otoridad mula sa Regional Intelligence Division Special Operations Unit, Intelligence Units of Batangas Police Provincial Office at ng Bureau of Internal Revenue Region No. 9A-CABAMIRO (Cavite-Batangas-Oriental Mindoro-Occidental Mindoro-Romblon) ang nasa P21,858,200.00 halaga ng smuggled cigarette sa Agoncillo Batangas ntonh huwebes Nov 23,2023.
Ito ay dahil sa komprehensibong follow up operation ng mga otoridad matapos ang ikinasang buy –bust operation sa Barangay Adia bayan ng Agoncillo .
Sa Barangay Adia din natumbok ng mga otoridad ang mga pabrika ng sigarilyo na ayon sa BIR ito ay isa sa responsible sa pagkalat ng kalakalan ng smuggled na sigarilyo sa bansa.
Nagresulta ang operasyon sa pagkaka aresto ng 33 katao kabilang ang walong (8) chinese nationals. Kinumpiska ang apat (4) na production Machines, 30 sako ng purong tabako ,commercial packing materials.
331 boxes ng sigarilyo ang nakumpiska sa Adia Warehouse at 341 boxes naman ang nakumpiska sa Pansipit warehouse. Ang lahay ng ito at tinatayang nasa P21,858,200.00 at kinakategorya ng BIR bilang iligal.
Sa isang statement , sinabi ni PBGEN PAUL KENNETH T LUCAS na ang iligal na pagbebenta ng smuggled cigarettes ay nakakaapekto sa tax revenue na direktang banta sa kapakanan ng kumunidad.
“By dismantling this network, we are not just upholding the law; we are safeguarding the economic interests and prosperity of our country,” dagdag pa ni Lucas.
Ang mga suspeks ay nahaharap sa mga kasong smuggling, illegal trade at kasong may kaugnayan sa National Internal Revenue Code of 1997.
- Vilma Santos-Recto Seeks Return as Batangas Governor, with Sons Running for Key Provincial Posts - October 4, 2024
- Noel ‘Bitrics’ Luistro magbabalik bilang Ama ng Mabini Batangas - October 4, 2024
- Congresswoman Ann Matibag of San Pedro City filed her Certificate of Candidacy as she aims for re-election - October 3, 2024