CAMP BGEN VICENTE P LIM – Isa sa mga suspek sa kaso nang nawawalang si Catherine Camilon ay sumuko na sa mga otoridad ngayong araw ng Martes, Jan. 9
Sa Balayan Municipal Police Station bandang alas dose nang tanghali kanina ay nagtungo para boluntaryong sumuko si Jeffrey Ariola Magpantay, 33 years old ng Barangay San Roque, Rosario, Batangas, sinamahan siya ng kanyang live-in partner ng nagtungo sa sa Police Station ng Balayan.
Sumuko si Magpantay para harapin ang mga kasong isinampa sa kanya na may kaugnayan sa kidnapping at serious illegal detention ng missing beauty queen na si Catherine Camilon.
Sinabi naman ni PBGEN Paul Kenneth T Lucas, Director for Police Regional Office CALABARZON makakasiguro ang taong bayan na patas at kanilang magiging imbestigasyon para sa kaso ni Camilon.
Si Magpantay ang personal driver ni Police Major Allan De Castro na pangunahing suspek at kasalukuyang nahaharap sa kasong administratibo at kasong criminal.
Samantala, magpapatuloy umano ang Police Regional Office CALABARZON sa pagbibigay ng update sa media hanggang sa malutas ang kaso ng beauty queen.
- ‘HUMAN BOPIS for sale’ pina-iimbestigahan ni Lee - July 19, 2024
- Bringing government services closer to communities: Bong Go visits island town of Tingloy, Batangas to inaugurate Super Health Center and help labor sector - July 12, 2024
- CAVITEX connector roads’ on-time completion gets fresh momentum from Presidential support - July 5, 2024