Tinalakay ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Regional Agricultural Engineering Division (RAED) ang Year-end Assessment on the Status of Implementation of Farm-To-Market Road Development Project (FMRDP) nitong Nov.15 sa Argosino
Hall, LARES Compound, Lipa City, Batangas.
Sa bisa ng isang Memorandum of Agreement, katuwang ng DA ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagpapatupad ng proyektong FMR kung saan, ang DA ang ahensyang responsable para sa pagsusulong ng pag-unlad ng agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay at pagbalangkas ng mga patakaran, pampublikong pamumuhunan, at mga serbisyo at suporta na kailangan para sa mga domestic at export-oriented business enterprises.
Samantala, ang DPWH naman ang ahensya na nakatalaga para sa engineering at construction, at responsable para sa pagpaplano, pagdidisenyo, pagtatayo, at pagsisiguro na ang mga imprastraktura at pasilidad ay mapanatili alinsunod sa mga itinakdang pamantayan.
Ang aktibidad ay isinagawa upang alamin at pag-usapan ang accomplishment at estado ng mga proyektong FMR na iprinisenta ng mga focal person ng DPWH- District Engineering Offices sa limang probinsya ng rehiyon. Ito rin ay upang suriin ang mga sinusunod na gabay at pamantayan sa pagsiyasat at pag-monitor ng mga ito, at palakasin at siguruhin ang paggamit ng Agricultural and Biosystems and Engineering Management Information System (ABEMIS) sa
pagtiyak ng maayos na implementasyon ng mga proyeto.
Ayon kay RAED Chief, Engr. Romelo Reyes, nagpapasalamat sya at hinihiling ang patuloy na pakikiisa ng mga lumahok upang masiguro ang matagumpay na implementasyon ng proyekto at
makabalangkas ng mga hakbang na makakatulong para sa pagsasaayos pa nito.
- Ayala Land Recognized as the Best Real Estate Developer in the Philippines by Euromoney - December 6, 2024
- THANKSGIVING MADE HAPPIER AT SM - November 29, 2024
- ‘HUMAN BOPIS for sale’ pina-iimbestigahan ni Lee - July 19, 2024