Kinilala ni Senator Bam Aquino ang husay at tagumpay ng mga batang Pinoy karatekas na nagbigay ng karangalan sa Pilipinas matapos ang kanilang matagumpay na paglahok sa 3rd Asian Karate Youth Open Championship and Training Camp sa Hangzhou, China noong Hulyo 22 hanggang 26, 2026.
Sa Senate Resolution No. 580, binigyang-pugay ni Aquino ang kahanga-hangang performance ng mga atletang kumatawan sa bansa mula sa Fight Alliance Sports Team-International Shotokan Karate Federation (FAST-ISKF) at Alfonso Karatedo Kobudo Renmei (AAKR).
Kabilang sa mga kinilala si 9-anyos Romeo Viktor Enriquez ng FAST-ISKF, na nagwagi ng gold medal sa Under-10 Male Kumite (+40 kg) at nagtapos sa Top 5 sa Under-10 Male Kata sa kanyang unang international competition.
Nagpakitang-gilas din ang 13-anyos na si Raphael Mariano Herrera, na nakamit ang kanyang ikalawang sunod na bronze medal sa Under-14 Male Kata.
Samantala, nagtapos naman si Ripley Tate Borromeo sa Top 5 ng Under-12 Female Kata at Top 7 ng Under-12 Female Kumite, habang kinilala rin sina Ellis Sebastian Canoza at Colin Isaiah Paolo ng FAST-ISKF.
Ang mga atletang FAST-ISKF ay sinanay ni Engene Stoner Dagohoy, isang national team coach at dating Karate Pilipinas national team captain.
Ayon kay Aquino, ang tagumpay ng mga batang karatekas ay bunga ng sama-samang dedikasyon ng mga atleta, coach, magulang, sports organizations at mga sumusuporta mula sa pribado at pampublikong sektor.
โThese achievements reflect the dedication of the athletes, their coaches, parents, sports organizations, and supporters from both the public and private sectors who continue to nurture and develop young Filipino talent,โ ani Aquino.
Personal ding binati ng senador ang mga batang karatekas at kanilang mga coach sa isang pagpupulong.
Binigyang-diin ni Aquino na higit pa sa pagkamit ng medalya ang naibibigay ng karate sa kabataan, dahil nakatutulong itong humubog ng disiplina, tiyaga, pagpapakumbaba, katatagan at tiwala sa sarili.
Dagdag pa niya, ang tagumpay ng mga batang atleta ay nagsisilbing inspirasyon sa iba pang kabataan na magsikap at hangaring makamit ang kahusayan sa pamamagitan ng sipag at determinasyon.
โThe success of these young athletes serves as an inspiration to the nation’s youth to pursue excellence through hard work and determination,โ dagdag ni Aquino, habang binibigyang-diin ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na suporta sa youth at sports development.
Samantala, matagumpay namang naidepensa ni Wifredo Apellido ng AAKR ang kanyang titulo matapos makamit ang back-to-back gold medals sa Under-12 Male Kata. Nag-uwi rin siya ng silver medal sa Under-12 Male Kumite (-45 kg).
Kabilang din sa AAKR Karatedo delegation si Ysabella Arwen Varias.
Sa pamamagitan ng pagkilalang ito, binigyang-pansin ni Aquino ang kontribusyon ng mga batang atleta sa pagpapakita ng husay at potensyal ng kabataang Pilipino sa larangan ng international sports.
- Isang Plato, Isang Pangarap: Kuwento ng Tagumpay ni Gemma Sanchez - October 8, 2026
- ๐ฃ๐ก๐ฃ ๐ฅ๐ฒ๐๐ฝ๐ผ๐ป๐๐ฒ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐๐ ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐๐๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ข๐ก; ๐ญ๐ฏ๐ฌ ๐ ๐ผ๐๐ผ๐ฟ๐ฐ๐๐ฐ๐น๐ฒ๐ ๐๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ - October 8, 2026
- CAISS to keep traveler data within Philippines, Securiport assures - October 5, 2026