Pinuri ni Senator Bam Aquino ang limang Filipino dance crews na nagpakitang-gilas at nag-uwi ng mga medalya sa 2026 World Hip Hop Dance Championship na ginanap noong Hulyo 25 hanggang Agosto 1 sa Phoenix, Arizona.
Sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 591, kinilala at binati ni Aquino ang Femme MNL, HQ, The Crew, Folk Jumpers, at Sayawatha Jr. dahil sa kanilang natatanging performance sa pandaigdigang kompetisyon na inorganisa ng Hip Hop International.
Nagkampeon ang Femme MNL sa Megacrew Division, habang nagkamit naman ng unang pwesto ang HQ sa Adult Division.
Nakuha ng The Crew ang silver medal sa Megacrew Division, dahilan upang makumpleto ng Pilipinas ang 1-2 finish sa naturang kategorya. Samantala, nag-uwi naman ng bronze medals ang Folk Jumpers sa Adult Division at Sayawatha Jr. sa Junior Division.
Bukod sa mga nag-medalya, kinatawan din ng A-Kidz, Sayawatha, NDDU Generals, A-Gyalz, A-Boiz, at UNRVLD ang Pilipinas sa ibaโt ibang divisions ng kompetisyon.
Ayon kay Aquino, patunay ang tagumpay ng mga Pinoy dance crews sa patuloy na pag-angat ng Pilipinas sa pandaigdigang dance community at sa husay ng mga Pilipino sa larangan ng sining at malikhaing industriya.


Binigyang-diin din ng senador ang mahalagang papel ng mga coach, choreographer, mentor, pamilya, dance organizations at iba pang supporters sa paghubog sa talento ng mga kabataang Pilipino.
Aniya, nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan ang tagumpay ng mga dance crews upang pagbutihin ang kanilang talento sa performing arts at ipagpatuloy ang paggamit ng sayaw bilang paraan ng creativity, cultural expression at talent development.
Kabilang sa limang-puntong agenda ni Aquino bilang chairperson ng Senate Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship ang pagpapalakas sa creative economy ng bansa, partikular ang pagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa Filipino artists, creators, filmmakers, designers at iba pang creative professionals sa global market.
Isinusulong din niya ang pagtatatag ng isang government agency na tututok sa pagsusulong at suporta sa creative industries ng Pilipinas, na maaaring maging katulad ng Korea Creative Content Agency (KOCCA) ng South Korea.
Kamakailan lamang, kinilala rin ni Aquino ang mga tagumpay ng P-pop group SB19 at Nationโs Girl Group BINI sa mga pandaigdigang entablado.

- Isang Plato, Isang Pangarap: Kuwento ng Tagumpay ni Gemma Sanchez - October 8, 2026
- ๐ฃ๐ก๐ฃ ๐ฅ๐ฒ๐๐ฝ๐ผ๐ป๐๐ฒ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐๐ ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐๐๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ข๐ก; ๐ญ๐ฏ๐ฌ ๐ ๐ผ๐๐ผ๐ฟ๐ฐ๐๐ฐ๐น๐ฒ๐ ๐๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ - October 8, 2026
- CAISS to keep traveler data within Philippines, Securiport assures - October 5, 2026