San Pablo City- Buo ang suporta ni Laguna 3rd District Representative Loreto “Amben” Amante sa kanyang may bahay na si Madette J. Amante nang ito ay mag file ng kanyang Certificate of Candidacy bilang kapitana para sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023 noong nakaraang Sabado ika-2 ng Setyembre ng kasalukuyang taon na ginanap sa San Pablo City Convention Center Brgy. San Jose ng nasabing lunsod.
Si Ma. Claudette Janolino Amante o mas kilala bilang Madette ay ikalawa at nag-iisang babae sa tatlong anak nina Chairman Efren V. Janolino at Belinda Alvaran Janolino na mga tubong San Gabriel.
Ang ama ni Madette nasi Chairman Efren V. Janolino ay nasa huli na nitong termino bilang kapitan ng Barangay San Gabriel.
Nais ipagpatuloy ni Madette ang mga magandang programang nasimulan ng kanyang ama sa kanilang barangay.
Ayon kay First Lady Madette Amante, nais niyang ipaalam at ipakita sa kanyang mga kabarangay maging mga kadistrito na mayroong gobyerno na nagmamahal at kumakalinga sa kanila.
Isa sa isusulong ni Madette bilang aspirante sa pagging kapitana sa kanilang barangay ang pagkakaroon ng People’s Day upang kanyang personal na makausap at makinig ang hinaing ng kanyang mga kabarangay.
“Ako po ay bababa sa kanila at bibisita sa bawat sitio, isusulong ang People’s Day sa barangay sa ganitong pamamaraan ay makukumusta ko ang aking mga kabarangay at the same time yung mga nahihiya pong tao ay makakausap ko po at makaka daupang palad ko po, Sa ganitong pamamaraan ng pakikipagkumustahan ay malalaman ko ang mga pangangailangan o need pa namin i improve pag dating po sa barangay” ani ni Madette.
Ayon pa kay Madette, noon pa man siya ay katuwang na ng kanyang asawa sa pagtulong at paglilingkod sa mga kababayan.
- “Mayroon gobyernong kumakalinga at nagmamahal”- Madette Amante - September 7, 2023
- Congressman Amante- serbisyo ilalapit sa tao - August 27, 2023
- Laguna MSME Summit 2023 held at Enchanted Kingdom - August 23, 2023