
Ipinagmalaki ng #83 OFW Partylist sa kanilang pagbisita sa bayan ng Calauan, Laguna nitong Lunes, Abril 21, ang mga naging tagumpay at patuloy na adbokasiya para sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga pamilya.
Pinangunahan ni Representative Marissa โDel Marโ Magsino ang pagtitipon kung saan ibinahagi niya sa mga dating OFWs, mga kaanak ng OFWs, at mga residente ng Laguna ang mga pangunahing accomplishment ng kanilang unang termino sa Kongreso. Kabilang dito ang mga programang nakatuon sa kapakanan, proteksyon, at pagpapalakas ng suporta para sa mga tinaguriang bagong bayani ng bansa.
Ayon kay Rep. Magsino, patuloy ang kanilang pagsusumikap upang makabuo ng mga makabuluhang proyekto para sa sektor ng mga OFW. Ilan sa mga programang kanilang isinulong ay ang:
- Pagpapatibay ng mga bilateral labor agreements upang matiyak ang karapatan at proteksyon ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa;
- Paglalaan ng mga mental health trainings at seminars para sa mga OFWs at kanilang pamilya;
- Pakikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang magkaroon ng mga NBI satellite offices sa mga bansang may malaking populasyon ng Pilipino;
- Pagpapalakas ng implementasyon ng mga OFW Help Desks sa iba’t ibang lokal na pamahalaan at embahada.

Ipinahayag rin ni Rep. Magsino ang kanilang hangaring maipagpatuloy pa ang mga nasimulang programa sa ikalawang termino, upang mas mapalawak pa ang tulong at serbisyong maihahatid sa bawat OFW at kanilang pamilya.
- ๐ฅ๐ฒ๐บ๐๐น๐น๐ฎ, ๐๐ถ๐๐ผ๐ป ๐ฏ๐ฎ๐ฐ๐ธ ๐ฃ๐ฃ๐ฃ๐ ๐ฎ๐ ๐ฏ๐ฒ๐๐๐ฒ๐ฟ ๐ผ๐ฝ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐บ๐ฎ๐ท๐ผ๐ฟ ๐ด๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ถ๐ป๐ณ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ฟ๐๐ฐ๐๐๐ฟ๐ฒ - August 22, 2026
- CARD RBI recognized as outstanding Rural Bank at LANDBANK Gawad TANYAG Awards - August 19, 2026
- 60 MSMEs sa CALABARZON, itinampok sa CoconutPhilippinesโKALAKAL 2026 - August 19, 2026