Pinangunahan ni Congresswoman Marissa del Mar Magsino ang groundbreaking ceremony para sa itatayong OFW Convention and Tourism Center sa Barangay Berinayan, Laurel, Batangas, na ginanap ngayong araw sa may Nuuk Taal Lake.

Ayon sa kongresista, malaki ang magiging ambag ng proyektong ito sa paglikha ng mga trabaho at sa pagpapalago ng turismo sa bayan ng Laurel at sa buong lalawigan ng Batangas. Inaasahang makatutulong ito sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at seafarers, na siyang pangunahing inspirasyon sa likod ng proyekto.
Itatayo ang makabagong pasilidad sa loob ng 7,000 square meters na lupang idinonate ni Magsino . Magsisilbi itong venue para sa malakihang pagtitipon ng mga OFW at seafarers, gayundin bilang pasilidad para sa mga aktibidad na makatutulong sa kanilang kapakanan.
Target na matapos ang OFW Convention and Tourism Center sa taong 2027.

- LLDA Chief expresses full support for Pakil pumped storage project - October 28, 2026
- Laguna named among top provincial accounting offices for Fiscal Year 2025 - October 21, 2026
- Tiangco: Desisyon ng Korte Suprema, nagpapatibay sa panawagan para sa transparency sa pambansang budget - October 21, 2026