Sa ikinasang “Warrant Day Operation” ng Laguna Police Provincial Office (LPPO) arestado ang dalawangpu’t dalawang (22) akusado.
Isang araw na operasyon ito ayon kay PCOL HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna PPO na isinagawa nitong huwebes, Aug.3
Kabilang sa mga naaresto ang 2 Most Wanted Person Provincial level na may kasong Sexual Abuse at R.A 9165 “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, 1 City/Municipal Level na nahaharap naman sa kasong 3 counts of Robbery. Bukod sa mga nasabing Most Wanted Person ay kabilang ang 19 other wanted persons.
Ang mga arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang operating units at ang mga korteng pinagmulan ng kanilang mga warrant of arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng mga nasabing akusado.
Ang ‘Warrant Day’ ng Laguna PNP ay isinasagawa tuwing huwebes at matagumpay na naipapatupad sa pamamagitan ng mga nakakaalap na impormasyon mula sa aktibong suporta ng komunidad sa iba’t ibang barangay sa lalawigan ng Laguna.
Sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR “Ipinagmamalaki ko ang kapulisan ng Laguna sa patuloy na pagtalima sa mga kautusan at patuloy na pagtupad sa mga sinumpaang tungkulin. Nagpapasalamat din kami sa ating mga kababayan na patuloy na nakikipagtulungan sa atin upang agarang madakip ang mga akusadong nagtatago sa batas. Sa ganitong programa, tinitiiyak namin na makakamit ng mga biktama ang hustisyang matagal na nilang inaasam”
- ‘HUMAN BOPIS for sale’ pina-iimbestigahan ni Lee - July 19, 2024
- Bringing government services closer to communities: Bong Go visits island town of Tingloy, Batangas to inaugurate Super Health Center and help labor sector - July 12, 2024
- CAVITEX connector roads’ on-time completion gets fresh momentum from Presidential support - July 5, 2024