Pinagpapaliwanag ng Commission on Elections (COMELEC) sa Lalawigan ng Laguna ang dalawang kilalang personalidad sa politika ng lalawigan kaugnay ng umanoโy pagkakasangkot nila sa mga ilegal na aktibidad na may kaugnayan sa halalan na naganap noong Mayo 5, 2025, sa Silangan Elementary School sa Santa Cruz, Laguna.
Nagpadala ng magkahiwalay na liham noong Mayo 9 si Atty. Patrick E. Enaje, Provincial Election Supervisor ng Laguna, kina Sta. Cruz Mayor Edgar โEgayโ San Luis at sa kandidatong kongresista ng ika-4 na Distrito na si Atty. Antonio Carolino.
Hiniling sa kanila na magsumite ng nakasulat na paliwanag tungkol sa umanoโy pagkakasangkot nila sa isang operasyon kung saan ilang indibidwal ang nagpanggap na taga-COMELEC at nagsagawa ng inspeksyon sa mga vote counting machine gamit ang pekeng pagkakakilanlan.
Batay sa mga sinumpaang salaysay nang tatlong naaresto ,ang nasabing aktibidad ay umanoโy isinagawa upang itaguyod ang kandidatura o interes pampulitika ng dalawang nasabing personalidad.
Inatasan ng COMELEC sina Mayor San Luis at Atty. Carolino na linawin kung may alam sila o kung sangkot sila sa isinagawang operasyon ng mga nagpapakilalang miyembro ng โCOMELEC Task Force Kontra Bigay.โ Kailangang ipaliwanag din kung ang naturang operasyon ay isinagawa bilang suporta sa kanilang kandidatura.
Binigyan ang dalawang opisyal ng dalawang (2) araw mula sa pagtanggap ng liham upang makapagsumite ng kanilang paliwanag. Binigyang-diin ng COMELEC na ang kabiguang tumugon sa loob ng itinakdang panahon ay ituturing na pagtalikod sa kanilang karapatang marinig sa yugtong ito ng imbestigasyon.
Ang kanilang mga tugon ay isasama sa opisyal na talaan at maaaring gamiting bahagi ng paunang imbestigasyon na ihaharap sa Law Department ng Komisyon.
Ipinapakita ng pangyayaring ito ang patuloy na pagsisikap ng COMELEC na panatilihin ang integridad ng halalan, lalo na sa gitna ng dumaraming ulat ng iregularidad sa panahon ng 2025 election season.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag na inilalabas sina Mayor San Luis at Atty. Carolino hinggil sa nasabing alegasyon.
- Sto. Tomas City Government partners with Global Care Cancer Institute to expand Patient Care - September 10, 2025
- MPCALA Holdings Taps EEI and CM Pancho to Complete CALAX Construction - September 10, 2025
- CARD Bank Launches Upgraded konek2CARD App at 28th Anniversary Celebration - September 8, 2025