Patuloy ang tulong na pinakikinabangan ng mga mamamayan ng 3rd district ng Laguna sa pangunguna ni 3rd district representative Loreto S. Amante o mas popular bilang Cong. Amben.
Nitong Aug.25, sa San Pablo City Central School Gymnasium, namahagi ng financial assistance ang tanggapan ni Amante at sa pakikipagtulungan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez. 801 katao ang nagbenepisyo dito sa ilalim ng programa ng DSWD na Assistance to Individuals in Crisis (AICS).
Kasama ang pangulo ng Sanguniang kabataan ng Laguna na si Bokal Yancy Amante at ipinaatid nito na ang kanyang tanggapan ay bukas hindi lamang sa San Pablo kundi sa ikatlong- distrito ng Laguna para sa anumang tulong sa mga kabataan.
Matatandaan na si Cong. Amben ay naging top 2 representative sa CALABARZON at top 3 sa buong Pilipinas ng lahat ng neo-fight na mambabatas sa ating bansa. Kasama din ang kanyang asawa na si Ginang Claudette Amante na laging nakasuporta at nakaalalay sa lahat ng gawain ng action man na si Cong Amben.
Ayon sa mambabatas ang kanyang naipangako noon ay unti-unti ng natutupad ito ay ang ilapit ang kanyang tanggapan sa mamamayan na kung saan ay may dalawang satellite na ang nabuksan, isa sa Calauan at Nagcarlan, layunin nito hindi na mahihirapan ang mga mamamayan doon sa paglapit sa kanya, may nakalaan si Amante para magserbisyo sa mga ito.
Dagdag pa ni Amante na kapag nagkaroon na ng sapat na pondo ang kanyang tanggapan ay tutulungan nya ang mga may sakit sa puso at nagchechemotherapy at makapag- angioplasty.
“Rest assured po na ang aking tanggapan ay laging bukas sa lahat ng nangangailangan at hindi ako mahihiyang huminigi ng pondo sa mga senador para makatulong sa inyo .” giit ni Amante.
- Mayor ng Rosario Batangas, hindi tutulungan si Rivera dahil lang sa pagiging magkaibigan - February 6, 2024
- Recto kay Rivera : Pwede ba sundan mo ang yapak ni Governor V - January 23, 2024
- Dating Mayor ng Padre Garcia nagdeklara sa pagtakbo bilang Gobernador ng Batangas - January 17, 2024