SERBISYO NG BATELEC II SA BATANGAS, INALMAHAN NA NG MGA CONSUMERS

Spread this info

Lipa City – Umaalma na ang mga residente ng ibat-ibang bayan ng Batangas dahil sa umano ay hindi maayos na serbisyo ng Batangas Electric Cooperative II (Batelec II) bilang kanilang electric power provider.

Kabilang sa mga service area ng Batelec II ang Lipa City at Tanauan City at ang mga bayan ng Alitagtag, Cuenca, Mataas na  ahoy, Balete, San Jose, Mabini, Tingloy, Rosario, Padre Garcia, Taysan, San Juan, Lobo, Malvar, Talisay at Laurel.

Halos iisa ang idinadaing  ng kanilang mga consumers mula sa.mga nabaggit na lugar, ang malimit na mga brown-out sa kani-kanilang lugar at ang mataas na singil nito.

Ayon sa mga residente, malaking perwisyo sa kanila ang mga biglaang nangyayaring brown-out at maging ang mga scheduled bronn-out na kalimitan ay tumatagal ng maghapon at magdamag.

Ayon sa negosyanteng si Nina Bilogo ng Taysan, Batangas at may ari ng isang piggery, apektado ng brown out ang kanyang babuyan dahil kasabay ng pagkawala ng power ay ang pagkawala rin ng tubig na kailangang kailangan sa kanilang piggery.

Si Mae Panganiban, isang house wife  na taga Lobo, Batangas ay apektado naman ang kanilang kalusugan at maging ang kanilang mga anak dahil sa malimit na magdamagang brown out na kanilang ikinapupuyat at ipinagkakasakit ng mga bata dahil sa sobrang init.

Sina Ruth Manguiat ng Mabini, Batangas at Yanna Yee ng Lipa City, na kapwa online worker at parehong worked from home, ay hirap naman sa paghahanap ng lugar kung saan may power at may internet connection kapag nagbrown out na sa kanilang bayan.

Dumadayo na lamang anya sila sa bahay ng kanilang mga kaanak na taga ibang bayan at hindi brown out na lugar.

Ayon pa sa mga consumers, hindi lang trabaho at kalusugan ang apektado kundi ang pagkasira din ng kanilang mga electrical appliances dahil sa patay-sindi at biglaang balik ng power.  

Dalawang miyembro na rin ng Sangguniang Bayan ng Lobo na sina Konsehal John Michael Anyayahan at Konsehal Mark Tiu ang nagpahayag na rin ng kanilang pagkadismaya sa serbisyo ng Batelec 2.

Gumagawa na rin ang mga ito ng resolusyon na kanilang ipaparating sa mga matataas na opsiyal ng Batangas at maging sa Kongreso kung paano masusulosyunan ang kanilang problema.

Sa panayam kay Tiu, sinabi nito na napag-iwanan na ng makabagong sistema ng pagbibigay ng elektrisidad ang Batelec 2 at nagangailangan na itong  i-upgrade.

Pumapabor din ang mga ito na kung sakaling hindi na talaga kayang ayusin ng  Batelec 2 ang kanilang serbisyo ay panghimasukan na ng kongreso ang kanilang matagal ng problema sa koryente sa Batangas.

Matatandaang kamakailan ay naghain ng isang resolusyon si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo kasama ang apat pang mambabatas upang patanggalan ng prangkisa sa Kongreso ang mga electric cooperative na nabigo na makapagbigay ng maaasahan at murang suplay ng kuryente.

Samatala sa panayam naman kay Joan Orias, Consumer Services and Public Relations Department Manager ng Batelec, 2, masamang panahon at mga pagkidlat na nagdudulot ng mga pagkasira ng kanilang mga power insulators at mga transformers ang malimit na nagiging dahilan ng kanilang mga unscheduled power interruption.

Meron naman silang mga scheduled brown out para sa mga clearing operation sa kanilang mga linya upang maisawan ang mga biglaang pagkawala ng power dahil sa mga sanga at mga pumo na umaabot na sa kanilang main line.

Kamakailan lamang, limang poste ng  Batelec II sa Lipa City ang bumagsak na nagdulot ng pagkansela ng klase sa La Salle dahil sa tagal ng pagsasaayos dito

Ang dalawang kooperatiba ng Batelec I at Batelec II ang power service provider ng halos 90 porsyento ng lalawigan ng Batangas na isa sa mga nangungunang tourist destination at  industrialized province ng Calabarzon.

.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *