Sa pag-endorso ni Finance Secretary Ralph Recto kay former 1Care party-list representative Mike Rivera para sa pagka-gobernador ng Batangas sa 2025 local election, may ilang pakiusap si Recto kay Rivera.
“Pwede ba iangat mo ang probinsya ng Batangas? Pwede ba sundan mo ang yapak nila Governor V ? Pagning-ningin mo ang probinsya ng Batangas, ‘yan lang ang sasabihin ko sa iyo. Ayusin mo ang probinsya ng Batangas.”
Kaya naman sa pagbisita ni Rivera sa mga kawani at opisyal ng mga taga BATELEC 2 sa Lipa City nitong Lunes Jan.22 sinabi niyang gusto niyang sundan ang yapak ni dating Governor Vilma Santos-Recto sa gagawing pagbabago sa probinsya ng Batangas.
“Ako’y kinukuha din ng ibang partido, ibang party list ko sa Manila para maging second nominee. Ito ho aking tinanggihan lahat. Pero yan naman sabi, ang daming-daming nagpapaendorso kay Sen. Recto at gusto lumaban bilang gobernador. Pero ako ho ang kanyang pinili.” Pahayag ni Rivera.
Si Rivera ay dating presidente ng Batangas Electric Cooperative kaya naman ang mga empleyado at opisyal nito buo ang suporta kay Rivera sa pagtakbo sa pagka-gobernador.
Ayon pa kay Gubernatorial aspirant Mike Rivera, marami na ang nagpapakita ng suporta at tiwala sa kanyang kakayanan.
“So sabi ko, yun pala ang track record ko bilang congressman, bilang board of directors, bilang mayor yun pala ho’y binabasehan ng lahat tinitingnan. Sabi ko, pang-gobernador na pala ako, hindi ko po ito inaasahan. Pero ito’y pangarap ko na maging gobernador. Pangarap na pangarap ko. Pagkat isa, mapaglingkuran ko naman ang buong probinsya. Sabi ko nga ho, kung ano ang ginawa ko sa bayan ng Padre Garcia, kung paano nag-transform, paano naayos, paano na-disiplina ang mga tao, ito ay gagawin ko sa buong probinsya ng Batangas.” Dagdag pa ni Rivera.
Bukod sa mga lokal na pinuno mula sa iba pang munisipalidad, ang mga miyembro ng Barako Eagles Club ay nagbigay ng kanilang suporta kay Rivera. Kumpiyansa sila na kaya ni Rivera na gayahin ang pagpapaunlad na ipinatupad niya sa kanyang termino bilang alkalde ng Padre Garcia.
- Mayor ng Rosario Batangas, hindi tutulungan si Rivera dahil lang sa pagiging magkaibigan - February 6, 2024
- Recto kay Rivera : Pwede ba sundan mo ang yapak ni Governor V - January 23, 2024
- Dating Mayor ng Padre Garcia nagdeklara sa pagtakbo bilang Gobernador ng Batangas - January 17, 2024