PILA LAGUNA – Nagkaroon ng pagkakataon na makabili ng PHP 29 kada kilo ng bigas ang mga senior citizens, PWD, solo parents, at miyembro ng 4Ps sa launching ng Kadiwa ng Pangulo sa National Irrigation Administration (NIA) Calabarzon sa Laguna.
Ang bawat tao ay pinayagang bumili ng hanggang sampung kilo ng bigas sa ilalim ng programang Bagong Bayaning Magsasaka (BBM Rice Program). Ang NIA ay naglunsad ng NIA Rice Contract Farming na nagbibigay ng PHP 50,000 na panimulang kapital sa mga magsasaka para sa kanilang pangangailangan mula sa pagtatanim hanggang sa pag-aani.
Tinitiyak din ng NIA na sila bibili ng ani ng mga magsasaka at ibebenta ito sa publiko sa halagang PHP 29 kada kilo. Ito ay bahagi ng layunin ng Bagong Pilipinas na makamit ang rice sufficiency sa bansa, na naglalayong pagbutihin ang kalidad ng bigas at itaas ang antas ng kabuhayan ng mga magsasaka.
Ang PHP 29 kada kilo ay batay sa pag-aaral ng NIA upang matiyak na magkakaroon ng kita ang mga magsasaka at makakamtan din ang savings ng publiko kumpara sa commercial rice.
Sa tanong kung bakit PHP 29, sinabi ni Engr. Roberto Dela Cruz, Regional Manager ng NIA Region 4A:
โNagtatanong po bakit P29 , so pinag aralan po ng mabuti ng ahensya yan o ng NIA , kung magkano yung na invest mo, capital mo , ipinasok mo at lahat ng gastos don , lumitaw po na sa 29 pesos ,may kita na po yung ating mga magsasaka , hindi na po lugi may kita pa at kung kaya pa nga po natin pababain , gagawin natin , sa ngayon po yun po yung lumitaw na pagbabalanse na kikita yung magsasaka at hindi naman po gaano kabigat para sa ating mamimili .
โHinihikayat niya ang mga magsasaka na sumali sa kontrata ng farming program, at naniniwala ang NIA na ang lahat ng ito ay ginagawa ng gobyerno para sa kapakanan ng mga magsasaka at mamamayan.โ Dagdag ni Cruz.
- Calamba City Conducts Gender Sensitivity Training for Media Practitioners and Stakeholders - November 20, 2024
- Pahayag ni Rep. Marissa โDel Marโ Magsino ukol sa Pagbalik ni Mary Jane Veloso sa Pilipinas - November 20, 2024
- Overcoming Adversity: Buena Bariring’s Journey from Illness to Business Success - November 20, 2024