PRO 4A officials sumailalim sa Mandatory Drug Testing

Spread this info

Camp BGen Vicente P Lim– Pinangunahan ni PBGen Paul Kenneth T Lucas, Acting Regional Director ng PRO CALABARZON ang isinagawang mandatory drug testing na kung saan ay sumailalim din ang 155 na matataas na opisyal ng PRO 4A.

Pangunahing layunin nito ay masiguro na DRUG-FREE workplace ang bawat opisina at mga police station sa buong CALABARZON.

Isinagawa ang nasabing drug testing pagkatapos ng command conference na ginanap sa PNP Training Institute Gym, Camp BGen Vicente P Lim, Calamba City. Kabilang sa mga sumalang sa drug testing ay ang Command Group, mga Provincial Directors, Chief ng Regional Support Units at mga hepe ng bawat city at municipal police stations ng CALABARZON.

Sa pahayag ni Acting Regional Director PBGen Lucas, binigyang diin nya ang kahalagahan ng pagiging isang mabuting ehemplo sa bawat kapulisan ng PRO 4A. Tiniyak din nya na ang lahat ng kapulisan ay sasalang sa drug testing upang malinis ang hanay at makasiguro ang ating mga mamamayan na walang pulis ang gumagamit ng iligal na droga at sangkot sa iligal na gawain.

โ€œHangad ko ang isang malinis, at may integridad na kapulisan at magkaroon ng drug-free workplace ang PRO CALABARZON. Sisimulan natin sa mga namumuno sa rehiyong ito ang paglilinis upang maging mabuting ehemplo tayo sa iba pa nating kasamahan. Ito ay isa lamang sa ating mga hakbang upang mapanatili ang disiplina, integridad at maipakita natin sa ating mga kababayan na tayo ay sinsero sa ating tungkulin na wakasan na ang iligal na droga sa rehiyong ito,” saad ng Regional Dirctor. (RPIO4A)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *