Usap-usapan na nang mga mamamayan ng San Pedro City na may Pattern of Abuse ang mga isyung pang pulitika ang lungsod.
Ito ay matapos magsampa ng mga kaso ang Kapitan ng Barangay Langgam na si Samuel Rivera ng Abuse of Authority ,Grave Abuse of Authority , Oppression and Violation of the Anti-Graft and Corrupt practices sa Ombudsman .
Ang mga sinampahan ay sina Mayor Art Mercado, Vice Mayor Ina Olivarez, Mga Konsehal at ilang pang opisyal ng San Pedro LGU.
Nag-ugat ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng ihain kay Rivera ang hindi umanong makatwirang preventive suspension sa kanya. Nag rally pa ang mga supporters na Rivera para kondenahin ang suspension order sa Kapitan.
Sa Pakikipag-tulungan ni Atty. Melvin Matibag kay Rivera , ang pagsasampa nila ng kaso ay para matigil na ang umanoโy panggigipit at political prosecution sa mga Kapitan at kilalang kalaban ng kasalukuyang administrasyon .
โAng preventive suspension ay may kinalaman sa Liga ng mga Barangay election na itinakda umano noong Hulyo 5, ngunit ipinagpaliban ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas noong Hulyo 4, matapos masuspinde si Brgy Chairman Rivera.โ Atty. Melvin Matibag.

Matatandaan na bago pa si Rivera ay nagkaroon din ng preventive suspension sina Barangay San Antonio Chairman Eugenio S. Ynion Jr., at tagapangulo ng Barangay Chrysanthemum na si Restituto Hernandez.
Si Rivera ay kabilang sa 14 sa 27 barangay executives na itinuturing na kaalyado ni Ynion na kandidato sa bilang pangulo para sa Association of Barangay Chairmen (ABC) sa lungsod
Lahat ng ito ay tinitingnan umano ng kampo ni Rivera na political prosecution para hindi matuloy ang eleksyon para sa Liga ng Barangay dahil ang kanilang bilang kung makukumpleto ay sapat na para Manalo bilang ABC President si Ynion.

Sinusubukan ng Southpost Pilipinas ang panig ng mga kinasuhan, particular si Mayor Art Mercado pero hanggang sa mga oras na ito ay wala pa silang tugon .
- 25 years of Aboitiz Football Cup โ building champions beyond the field - November 8, 2025
- ๐๐ซ๐จ๐ฎ๐ง๐ ๐,๐๐๐ ๐๐๐๐๐ญ ๐๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐๐ง๐ญ๐ฌ ๐๐ซ๐จ๐ฆ ๐๐๐ฅ๐๐๐๐ซ๐ณ๐จ๐ง ๐ญ๐จ ๐ญ๐๐ค๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐๐ฑ๐๐ฆ - November 7, 2025
- COMELEC to establish permanent Calabarzon regional office in Calamba City - October 31, 2025