Matapos malampasan ang matagal nang problema sa suplay ng kuryente, nakatuon na ngayon ang pamahalaang panlalawigan ng Occidental Mindoro sa iba pang aspeto ng kaunlaran.
Ayon kay Vice Governor Diana Tayag, panahon na upang pagtuunan ng pansin ang iba pang sektor ng pag-unlad sa lalawigan. Kabilang dito ang agrikultura, turismo, imprastraktura, at iba pang programa na magpapalakas sa kabuhayan ng mga residente.
Dagdag pa ni Tayag, mahalaga rin ang pagkakaisa ng mga lider ng probinsya upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng mga proyekto at programa para sa mas maunlad na Occidental Mindoro.
Sa pagkakaisa ng mga lider pinagtibay nina Governor Eduardo Gadiano, Congressman Leody Tarriela, at Vice Governor Diana Tayag ang kanilang pagkakaisa upang maisulong ang iba’t ibang proyekto para sa lalawigan.Binibigyang-diin nila ang kahalagahan ng koordinasyon at pagkakaisa sa pamahalaang lokal upang matiyak ang maayos at epektibong pagpapatupad ng mga programa.
Patuloy namang hinihikayat ang pakikiisa ng mga mamamayan sa mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan upang matamo ang pangmatagalang kaunlaran sa lalawigan.
- A Spark of Christmas in Calamba - October 29, 2025
- Cash bond of Pagsanjan Mayor Ejercito, co-accused cancelled; ordered to surrender within 5 Days - October 29, 2025
- Court orders arrest of Pagsanjan Mayor Ejercito following final graft conviction - October 29, 2025