Naglalayon si gubernatorial aspirant Mike Rivera na magkaroon ng college school gaya ng Polytechnic College sa mga bayan ng lalawigan ng Batangas .
Ito ay kung sakali umanong mapagbibigyan siyang maging Gobernador. Sinabi ito ni Rivera ng maging panauhin sa traditional flag raising ceremony ng Batangas Police Provincial Office nitong Lunes .
Sa kanyang talumpati , nabanggit niya sa mga kawani nang Batangas PNP na nag-iikot siya sa mga bayan ng probinsiya, at nakita niya umano ang pangangailangan sa mga eskewelahan .
“ Ngayon ho ako’y imiikot sa mga paaralan , malulungkot din ho kayo lalo na dito sa first at second district, alam niyo ho dito , ang mga building ay ipinagawa pa ho ng dating Gobernadora Vilma Santo-Recto , siguro ho ito ay hindi naging priyoridad sa ngayon, may mga covered court ho dito, may mga stage po dito na luma, sabi ko ‘Por Diyos Por Santo’ inabot ng kababayan ko. Sabi ko ho sa kanila pag ako ay binigyan ng pagkakataon aayusin ko ho kayo.” – Sabi ni Rivera.
Sa bayan ng Padre Garcia ay may Polytechnic College na may apat na kurso gaya ng BS Accountancy, BS Criminology, IT at Business Administration.
Ang mga nag-aaral at nakikinabang umano dito ay mga anak ng Tricycle Driver , Karpintero na kanyang mga kababayan . Maganda umano ang programa ng kasalukuyang Gobernador sa pagbibigay ng educational assistance at ito ay hinahangaan ni Rivera , pero para sa kanya, layunin niya ang mas konkretong tulong pagdating sa edukasyon, ang gumawa ng mga eskwelahan para paaralin ang mahihirap.
“Sabi ko nga sa maraming tao pag ako ay binigyan ng pagkakaton na maging Gobernador, ang plano ko ho sa kada bayan lagyan ng Polytechnic College nang sa gayon ho hindi na lumayo ang tao at maiangat din namin ang antas ng mahihirap na tao sa bawat mahihirap na bayan.”- Giit ni Rivera .
- Boosting Local Business: Bañamos Festival Drives Economic Growth in Los Baños - September 5, 2024
- Book Signing Event with Comelec Chairman George Erwin M. Garcia at the Manila International Book Fair - September 4, 2024
- PBGen Lucas Highlights PRO CALABARZON’s Success in Combating Loose Firearms Ahead of 2025 Elections - September 3, 2024